26.4.06

and then i was born..

happy birthday to me!happy birthday to me!happy birthday,happy birthday,happy birthday to me!!!oh!blow your candle na evz!wheewww!!!!bwahhaha!!wawa naman ako, parang nagsosolo na talaga ako sa buhay!!

trivia lang:ever since hindi pa naranasan ng lola nyo magblow ng candle sa cake sa kaarawan nito!!huhuhu!kaya eto..nag-i-imagine!hehehe!pero wag ka..di pa nagbirthday ang lola na walang inihaw na manok mula kay papa..lumang paniniwala tapos nakasanayan na sa amin..tapos ipapahid sa noo at wrist(ano nga ba tagalog ang wrist?nge!kalimutan ko!)ang konting dugo ng inihaw na manok...di ko alam kong anong explanation nun sa mga matatanda..basta ang alam ko para may swerte sa mga darating na taon!naku!sana naman!!

yup!this is the day that the Lord has made and my parents rejoice dahil ipinanganak ang napakacute na sanggol na hanggang ngayon pinanindigan na talaga ang pagiging cute!hehe!walang magre-react!blog ko 'to!kasi naman di na talaga ako tumangkad!mas mataas naman ako kay ate Glo no!pero k lang..at least masasabi pa rin ng tao: "si evz 15 something na!" when actually "20 something na!"( ang tanong ilan kaya yung something?)hehehe!naks!nakuha nyo ba humor ko?korny!

inaaliw ko lang self ko...hayy naku..i have to coz this is my day.

ang ganda ng bungad ng araw sa'kin first thing in the morning...while riding in a jeepney way home, akalain nyong pinara ng pulis ang sinakyan ko..may violation ata si manong driver..pagdating ko sa may kanto sa amin dumaan muna ako ng simbahan, malapit lang kasi church hauz namin..usal ako ng konting dasal kay Lord..pasasalamat sa isang bago na namang kabanata ng buhay ni evz...then nagtirik ng kandila na pinaghintay pa talaga ako ng nagbibinta ng candle..ewan ko kung natagalan lang sa banyo...pag-uwi ko ng bahay..akalain ko ba namang biglang nagtalo sina mama at papa..usual naman yun pero sana naman pinalampas muna nila ang araw na 'to, nag-usap din naman ng matino pagkalipas ng ilang oras...hayy naku natawa na lang ako..at pabiro kong nasabi kay Lord, "kasama ba ako sa friendster list mo Lord?parang things don't seem to fall into place ata this morning!hehehe!"..pero biro lang yun! ok lang naman ako ngayon..you know, real happiness should come from within not from the outside force..we cannot please everybody naman talaga in for whatever circumstance in life..kelangan lang siguro lagi tayo handa sa mga kaganapan sa paligid natin...sa lahat ng pagkakataon dahil walang pinipiling oras ang mga masasaya o malulungkot na bagay sa mundo...kahit birthday mo pa evz!:)...kaya naman mahal na mahal ko talaga parents ko...sa kabila ng pagtatalo nila ay naipagluto pa rin ako ng masarap na pancit, manok at lumpia ni mama...mmmm..namiss ko ata family ko...i'm at work most of the day and i only have three to four hours time spent with my family..kalungkot talaga!first time ko 'to nagbirthday na wala sa bahay ng buong araw...

salamat sa mga kaibigan ko at kamag-anak na bumati sa akin sa araw na ito!i may not be rich with material things here on earth but for sure may isang bagay akong maipagmamalaki..that..i am rich with people and friends!!Knowing this..in my heart i could not ask God for more...thank God for all!

happy birthday self!:)

7 comments:

bulitas said...

salamat sa komento.

happy birthday!!!
=)

wah.

tatangkad din tayo.

hyaan mo, reregaluhan kita ng maraming flinstones tska growee na panulak.

lheeanne said...

Mya ako mag comment, pupunta muna ako sa initial check up ng tooth ache ko.

gandang kaarawan seyo!!

REM said...

nag b-day ka pala. sensya na ngayon lang dumalw c titser sa haus mo...pero asan ung tag board mo?

lheeanne said...

Nakalipad at nakabalik na si tutube, ala ka parin Neng?

Alam mo iNeng eve, ang kaarawan ay simbulo ng araw ng iyong kapanganakan. ewan koba at sinong nagpasimuno ng candle na may cake nayan. pero hala ka, naubos na handa mo hindi mo man lang ako naimbita. wawang tutubi. tatampo kuno!!

Hindi naman kelangan sa lahat ng oras masaya hindi ba? Maaapreaciate mo ang tunay na ligaya kung medyo nag daan ka muna sa pag durusa.

Si kaibigang CLown ay me tama,
Tag board moba'y nawala nlang bigla
kung ikay naliligaw sa landas sa pagtuklas
Si tutubi'y handa kang iligtas


Uy hindi paba dumating ung aking Ginie? Sabi ko kc pahiram muna kita ng mkapagwish ka nman. And i wish the wish u wish!!

SailorWitch said...

Hey gabrielle..... walang xena ngayon kung di ka ipinanganak!!!! Thankful ayo ko kay Lord.

SailorWitch said...

Solo ka dyan!!!! Hoy nag advance celebration na tayo sa pizza hut no? Kasi naman I'm here n Gensan ngayon.... at bakit naman di mo ininvite ang cy bautista mo? o di kaya'y si Nanciang?
Wow fren, corny na yata ang blowing of cake.... pang 1 year ol;d lang yan! Biko na ang uso ngayon. Sarap talaga.... pinoy na pinoy!
Ang explanation ng pinapahiran ka ng dugo ng inihaw na manok tuwing birthday mo ay para mailayo ka sa mga engkanto, bad spirits and bad guys na magpapaiyak lang dyan sa puso mo.
Tingnan mo ..... di ka nga kayang atik atikin lang ni Cyril..... Henyo ka talaga fren.... is kang tunay na henyo!!!! Pa kiss beh... mwahhhh!!!!
On the other hand my mom told me na isang kahig isang tuka daw yang chicken na ipapanlihi mo sa birthdays..... kaya iwasan mo na ang tradisyong yan...... baboy na lang fren o di kaya itlog.... yun itlog!!!! teka parang na far out yata ako dun sa egg. A, basta ang importante, mi greet sa imo ang mga people that you love.
As in.... cutie..... cutie..... cute ka naman talaga... ,sexy pa. Atsus grabe na talaga ang pag admire nako sa imu.... unsaon na lang ni uy!

hAY.... NATATATANDAAN MO pa ba nung college pa tayo???? ava, ava nagmamadali kang tumanda nun! eh, when I asked you why ang sagot mo ay KASI pag tumatanda ka na ang senyales noon ay WISDOM.... nako po.... ang lalim..... di ko nga na gets kaagad eh, ngayon taon lang talaga nung birthday ko 1 week ago.

hey wait fren..... ang sarap pa sanang mag comment.... and2 na si ervs, mag chat muna kami

ev said...

To bulitas,

kaya ba bulitas tag name mo dahil maliit ka?hehehe..ok lang yan di ka nag-iisa! kung may bisa pa mga bibigay mong pampataas bah bakit hindi...salamat sa pagdalaw sa aking munting tahanan...balik ka ha?

To tutubi,

siguro isa kang makulit, maingay ngunit masayahin na tutubi na nagkatawang tao para pasayahin ang buong planetarium sayong mga komento...kumusta na ipin mo?kumpleto pa ba?hehehe..sana nga may genie sa tunay na buhay...paborrow ha pag nadiscover mo na!teka lang ano ba ang tag board na ibig sabihin ng bago kong bisita na si titser clown?di ko yata na gets.


To clown,

sensya na di ko alam ano yang tag board na tinutukoy mo..wala kasi syado art ang blogsite ko..wala ako alam sa computer thing...kaya nakuntento na lang ako sa ready-made na design...ang mportante mailabas ko saloobin ko...salamat sa pagdalaw..pasyal ka uli ha?


To my bespren lovelygirl,

bakit ba bes pag kaw na magcomment eh parang gusto kong maiyak?hindi ka naman nagsesentihan...tumatagos lang talaga hanggang buto ang friendship mo with me..para yatang kaw ang nawawala kong kakambal..hehehe..ayaw lang pasubrae ug praise bes kay maulaw ta...hehehe..tsika ra unya ta when i see you...i guess i wanted something new in my life na jud...but i am content to keep you at the deepest part of me..in my heart.

bes, in fairness to cy, mabuti naman syang tao..kahit papano di na sya iba sa akin..part na rin sya ng buhay ko yun nga lang di ko alam til when...kaya pala sang kahig sang tuka pa rin ako kasi manok ang pamahiin ni papa..sige lang i'll tell him nxt tym!heheeh..basta ikaw motoo jud ko...teka hindi ko yata marecall yung WISDOM na nasabi ko pala sayo minsan sa collge..ang galing ng memory mo bes.