20.5.06

soul searching...

i sat quietly in one corner...
hoping to find serenity within me...
the wind was blowing gently..
kissing me entirely....
i looked around to find familiar faces...
but what i saw was my mere reflection in the shadow...
it felt odd...i was again alone..
it was just yesterday when i heard my heartbeat in a song...
i knew from that moment i was in unexplainable jaunt..
my mind was empty..my shoulder so weary..
seemed like i was almost drowning from feeling the silence around me...
i wanted to shout and say, "hey!~can somebody hear me?"
i just needed to talk to let go of this anxiety!

--- nagsoul-searching ako.....masaya ako sa buhay ko pero parang ang bilis yata ng lahat ng mga pangyayari...napagod ako..pakiramdam ko hinahabol ako ng oras...nakalimutan kong ako ang may hawak nito at hindi sya...na-eenjoy ko naman ang bawat minuto pero bakit sa tuwing paggising ko tuwing umaga ay para bang kinuha na sa'kin ang mga alaala? masaya nga ba ako? o sadyang di lang ako nakontento?....nakakalito...kapag ganitong nagsesenti ako nagiguilty ako pagkatapos...hindi kaya ako batukan ni LOrd? sabi ko naman ala akong right magcomplain sa buhay! nakita ko nga yung isang mama sa mall..putol isa nyang kamay...nalungkot ako...nakakahiya palang aminin na masyado akong humiling ng mga bagay-bagay sa mundo!

sa tuwing binabalikan ko ang mga nangyari sa buhay ko nitong mga huling linggo...nakakaaliw isipin ngunit ilang saglit lang ay para bang bula na lang itong naglaho...bahay-trabaho-kain-tulog---ito na ang buhay ko....minsan nilalagyan ko ng rainbow para may kulay...sinusubukan kong ngumiti kahit sa mga kapwa ko pasahero tuwing nakacommute ako...o di kaya'y gawin ang mga bagay na di ko nakasanayan...ang pumasok sa mga sosyal na pook upang malaman anong mundo kaya meron sila? i'm sure pareho lang kami...naghahanap sa buhay...yung simple pero totoong masaya...

... di ko na alam pa'no tapusin entry na 'to!basta bukas...sisigaw ako...sasabihin ko sa buong mundo...gusto ko lang talagang umutot!!!ayaw ko nang magpigil!heheehehe....ok bah?..nakakabaliw pala mag-soul-searching!la lang!!seryoso ako ha!

6 comments:

Racky aka Bakya Ni Neneng said...

parati rin akong ganyan, pero ewan ko ba ... ang sirenang katulad ko yata ay walang kaluluwa :D

eto seryoso na ... kung iisipin mo ang takbo ng buhay lalo lang itong gugulo! kaya ... inuman na lang tayo!!! hehehe

Mistyjoy said...

hay... ganyan din ako. minsan nalulungkot na lang ako pero di ko naman alam kung bakit, masyado rin akong mapaghanap nung mga bagay na wala ako pero pag naaalala kong mas maswerte pa pala ako sa ibang tao, pinipilit ko na lang ngumiti.

ganun naman daw talaga ang tao, walang kakontentuhan... 'nway kalimutan muna ang pagiging senti,nakakakulubot yan ng balat. sige tatanda ka nyan agad ^_^ cheer up and smile!!!

Ann said...

alam mo minsan kase may hinahanap tayo na alam natin na wala sa atin pero kahit sa sarili ay ayaw aminin na yun nga ang kulang. Nakagulo yata ang sinabi ko sa soul searching mo..hehehe.

ghee said...

hmm,hinahanap mo pala ang yong kaluluwa..

minsan,may mga bagay na di na natin kailangan pang hanapin,dumarating na lang na isang sorpresa..

hang on there..,makikita mo rin,ang alin ba? :D

ev said...

racky...sana nga makainuman kita balang araw!i'm sure naman na-gets mo pagsesenti ko!salamat!hehehe

mistyjoy...masaya na ako..natakot kaya ako na magkakulubot!:)

ann...i understand what you mean..i think its just normal na minsan nakakaramdam tayo ng kalitohan sa mga bagay-bagay...siguro nga may paraan lang talaga si Lord na di natin kayang maintindihan bilang tao basta kelangan lang buo trust natin sa Kanya.

ghee...ang totoo matagal ko ng hinahanap ang soulmate ko...hindi pala soul-searching ginawa ko nung time na yun..it was soulmate-searching!hehehe..and you're right..things sometimes do come in a big surprise..kahit di mo hanapin...magugulat ka na lang..nakalaan na pala sa'tin...baka naging impatient lang ako...thnx! sure i will hang on!

Xever said...

Ev...musta?soulmate searching mo?
im on airy limbo now... :-(
what to do..im gonna travel 10 hrs road trip...to seek...to be away..... :-( in 2 days... for 4 day...