22.5.06

ang e-mail ni ate sa abroad..

Maluha-luha kong binasa ang e-mail ng isang malapit na kaibigan na kelangan makipagsapalaran sa ibang bansa upang kumita ng sapat para sa kanyang naiwang pamilya dito sa Pinas...hindi ko alam pero tila meron akong kirot bigla na naramdaman sa puso ko lalo na nung mabanggit nya ang kanyang asawa at mga anak...ngayon ko masyadong napagtanto na sadya ngang di napakadali ang malayo sa pamilya...masyadong umantig sa puso ko ang bawat linyang "namimiss ko na pamilya ko dyan sa pinas evs!..but i have to sacrifice because this struggle is for them.."..whew! wala yatang mapaglagyan ang bigat ng aking dibdib..

naalala ko si ate ko na nangibang bansa rin upang maisakatuparan ang matagal na nyang pangarap para sa aming mga magulang at nang maiahon sila sa kahirapan...sana'y nagkaroon din ako ng lakas meron sila...hindi ako gaanong nakikipagcommunicate sa kanya pero this time nag-email ako para kumustahin si sis...sanay si sis ng malayo sa amin dahil simula ng nagtapos sya ng college ay tumulak na sya papuntang maynila para makipagsapalaran hangga't sa maisipan nya ang mag-abroad...ngunit alam kong iba pa rin ang nandyan ka lang sa lupa mong sinilangan...yung alam mong kung gusto mo nang umuwi sa pamilya mo ay pwede kang kumuha agad-agad ng tiket sa barko o eroplano para makauwi..ngunit di ganun kadali ang magtrabaho sa ibang bansa..may kontrata kang dapat tapusin at panindigan....

ang matalik kong kaibigan naman ay alam kong naninibago pa sa katayuan nya ngayon dahil first time nyang mawalay sa kanyang mga mahal sa buhay...kaya ganun na lang ang naramdaman kong lungkot sa kanyang kalagayan...naisip ko tuloy...na sana'y kayang maibsan ng mga emails at mga txt messages ang pangungulila nya ngayon...para akong napilay sa mga emosyong pinahayag nya sa kanyang liham tungkol sa hirap na kanyang pinagdadaanan...she felt like she has just started from scratch...lalo na nung sabihin nya na hindi pa gaanong malaki ang kanyang kita sa bago nyang trabaho dahil nagsisimula pa sya ngunit kelangan nyang mag-sideline upang di masayang ang bawat minutong pananatili nya sa pook ng mga banyaga....at yun ay ang gawin ang bagay na di nya nakasanayan..

...si ate( yun ang tawag ko sa kanya since we were in college) ay isang guro..nagtuturo na rin sya Thailand...wala pang isang buwan ang pananatili nya doon pero sa pakiwari ko'y para bang gusto na agad nyang umuwi upang mayakap ang mga anak...nakakalungkot man isipin na ito na yata ang buhay nating mga pinoy sa tuwing naiisip natin na kelangan nating magpursige sa buhay upang masuportahan lamang ang pangangailangan ng pamilya...ano nga ba yung ang tangi lang naman nating hangad sa ay mabigyan ng maginhawang pamumuhay ang pamilya at makapag-aral ang mga anak at makapagtapos...sa hirap ng buhay ngayon...iilan na lang ba sa atin ang di nangarap na makapag-abroad? hindi dahil tinalikuran na natin ang bayang Pilipinas kundi dahil may kanya-kanya tayong pangarap sa buhay na nais nating makamit...walang tao dito sa mundo na hindi nangarap magkaroon ng desenting buhay..

...kahit pa nga siguro si Juan Tamad na bida sa komiks ay pinangarap din nyang sa kanyang pagkakahiga ay mahulog ang bunga ng isang puno sa kanyang bunganga..yun nga lang di sya nangarap sa paraang kelangan nyang pagpaguran..mahiwaga talaga ang buhay ng tao....nakakalungkot man isipin na kelangan natin magsilbi sa ibang bansa upang magtagumpay sa buhay ngunit sa mga sandaling iisipin mo na ang kapakanan ng iyong pamilya ay mawawala ang iyong pangambang makipagsapalaran saan mang dako ng mundo at kalimutan ang pride na natitira sa'yo...kaya to all OFW-OCW...mabuhay kayo sa inyong katatagan at tibay ng loob!...at sa dalawa kong ate na nasa abroad...ito lang masasabi ko.."ikinararangal kong may mga taong katulad nyo...basta wag lang magbago, wag makalimot sa Diyos at lumaki ang ulo dahil sa pera!"...God Bless mga sis ko! alam ng Diyos ang daing ng inyong mga puso...di ka pa man lumalapit sa Kanya...ay nakangiti na Siyang nag-aabang sa iyong pagsaklolo.

13 comments:

Ann said...

Napakahirap talaga ang nasa ibang bansa. What more kung hindi mo kasama ang pamilya mo. Homesick talaga ang kalaban mo.

Turuan mo na lang mag blog yung friend mo para malibang.

ev said...

naku ann...first honor ka dito!salamat! wala yata akong masabi..sabi ng frend ko pagod na daw sya kagagawa ng lesson plan...kahiya naman kung dagdagan ko pa job nya!hehehe...kaya pinapabasa ko na lang sya dito..i'm sure matutuwa yun dahil di naman sya nag-iisa sa kanyang pakikipagsapalaran...dami din kasing kwentong OFW dito diba!

Ka Uro said...

evs,
first of all thanks for dropping by my blog. naranasan ko rin ang maging OCW at mawalay sa mahal sa buhay. mahirap talaga. ang aking pangarap para sa ating mga kababayan na sana kung mangingibang bansa sila maisama nila ang kanilang asawa at mga anak.

ev said...

walkabout,
thnx sa comment mo. sa ngayon di pa siguro maiintindihan ng mga anak ni ate kung bakit kelangan nyang magtrabaho abroad kasi maliliit pa mga to..maghahanap pa talaga sila at magtatanong kung bakit kelangan mangibang bansa si nanay...pero i'm sure in time mauunawaan din nila.

Kuya KU,
dalaw ako haus mo anytime ha!ang dami kasing aral napupulot sa entry mo! thnx for dropping here..medyo matagal pa siguro magtitiis si ate mag-isa sa abroad bago pa lang kasi sya dun...at wala pa rin yata syang plan manirahan duon ng matagal o ng tuluyan..i don't know but for the meantime tiis muna daw sya hangga't matapos contract nya...sana nga mangyari yun na maisama ang pamilya one day.

ghee said...

hay,hirap ng buhay...

yung first 3 months,homesick talaga yun,lalo na kung may anak na naiwan sa pinas..

pero,malampasan nya lang yun,ok na sha,ths for sure...malulungkot pa rin pero di na gaya nang dati...

i wish her good luck:D

ev said...

ghee...tama ka dyan..i know sa kalaunan masasanay din sya and i wish her too the same luck that you wish.

Mistyjoy said...

marami nang paraan ngayon para hindi ma-home sick. kaya lang syempre pag mga bata ang pinag-uusapan talagang nakaka-miss sila.

goodluck na lang sa sistah mo... sensya na kung ngayon na naman lang ako napadaan dito. may prob kasi computer na gamit ko. nagfull memory..

Anonymous said...

dapat meron siyang libangan para di masyadong homesick... pero paminsan minsan dumadalaw talaga ang lumbay at lungkot pagdating sa usaping pamilya...

ayan me comment na ako huh :)

ev said...

misty,

salamat at kahit may prob pc mo ay napadaan ka parin..ur right, pag mga bata na ang pinag-uusapan manghihina ka talaga..nakakamiss kakulitan nila.

kneeko,

thanx for your comment..dino't wori i'll tell her in my nxt email na pagtuonan nya mga bagay na makapagpalimot sandali ng loneliness nya...sabihin ko ..take it from kneeko!hehehe

Sidney said...

Trying to understand what you wrote would be a good exercise for me...
Next visit when I have more time I will try ! ;-)

nixda said...

kaya nga tinatawag kaming Bagong Bayani!!! heheh

makaka-adjust din, talagang ganyan konting tiis lang muna :(

ev said...

neng,

ikaw rin? naku!i salute!yun talaga dapat tiis muna..worthwhile din naman di ba pag natapos na pagsisikap.

Sidney,

its ok..i hope you can come back still and post comment in my other entry...the english ones...thanks for dropping!

kulas said...

Siempre ka-homesick sa simula at kung walang dibersyon, lalong mahirap lalo na sa may mga naiwan. Pero, it is a matter of point of view. In the end, "all's well that ends well," ika nga.