nagsound trip ako kaninang umaga...ninamnam ko mga lyrics ng bawat luv songs na narinig ko..napagtanto ko na hindi lang pala ito mga kantang nilagyan ng melody upang mapansin ng tao..ang bawat kanta ay may kwento...minsan ito pa ay pumupukaw sa mga matagal na nating naninibughong damdamin...nawawalan lang tayo ng tamang ekspresyon para maipaabot ito o maipadama sa taong involve...ano nga bang meron sa mga kanta?bakit mas tinatamaan tayo kapag inaawit ang mga salita kesa sinsabi lang o tinutula?kapag nasasaktan ako..pakiramdam ko lahat ng kantang nakakalungkot nagsasabi ng kwento ng buhay ko..and its true...naiiyak ako with the songs..para bang ramdam din ng writer ng kanta ang nasa dibdib ko..kasi sabi nila kahit gaano man daw katigas ang puso ng isang tao, we always go back to being human..natatamaan din..marahil minsan gusto lang nating i-deny ang totoo para hindi gaanong nakakatouch ng ego pero ang isip di kayang diktahan ang nilalaman ng puso..di naman ako naniniwala na may taong bato ang damdamin...tirahin mo lang ito sa kung saan sya mahina..dun sa parte na hindi nya kayang mabuhay ng wala ito...hindi bagay kundi ang kanyang kapwa-tao..kaibigan man o kadugo....
....meron akong bagong kaibigan..masasabi kong espesyal na rin sya sa kin ngayon..kelan ko lang sya nakilala pero bawat pag-uusap namin ay para bang isa syang matagal ko nang nawawalang kasama...sa tuwing nag-uusap kami...unti-unti nakikilala ko sya....kabe-break lamang nila ng girlfriend nya kaya isa syang napakalungkot na nilalang bago ko nakilala..sa una nag-alangan ako sa kanya..natakot ako na baka walang epekto sa kanya friendship ko...ngunit sa kalaunan nagulat ako...marunong na syang ngumiti at magpatawa kahit papano..aba!ang sarap ng feeling epektibo din pala ako bilang nilalang..
naranasan nyo na ba yun? sabi nila mas masarap magbigay ng walang hinihintay na kapalit pero natakot ako inaamin ko...nagising ako isang araw na hindi na pala sya ang nangailangan ng karamay...ako na pala..hulaan nyo kung bakit? naku!mukhang nalalayo na ako sa tema ko..mabalik tayo sa luv songs..narinig ko kasi paborito nyang kanta habang nakasakay ako ng jeepney...dinama ko ang lyrics...song nya for his ex-gf..nalungkot ako...ang sakit pala ng pinagdaanan nya...pero ito ang nakakagulat!nasaktan ako ng ninamnam kong pakinggan ang kanta! gusto ko tuloy maiyak!ano ba 'to? wala naman akong kinalaman sa buhay nya kung tutuusin pero bakit sya parang may kinalaman na sa buhay ko!aray ko!tama ba 'to? nasabi ko tuloy sa sarili ko na sana di ko na lang tinanong peborit nyang kanta...kasi naman usyusera ako!kaya ito napala ko!naku naman!pero ok lang mabalik tayo sa sinabi ko na kapag napasaya mo na ang isang tao..di tamang humingi ka ng kapalit...ok lang managinip pero kelangan mo ring magising!...grabe ng tama sa kin ang mga luv songs...para bang sinasabi na nito istorya ng buhay ko...alam ko pag sinubukan mo ring makinig kasama pati puso mo...hindi man maipaliwanag pakiramdam mo tinulungan ka na ng kanta na maipaabot laman ng puso mo sa lahat ng tao.
nagsenti daw ako?!!!hehehehe...epekto lang ng luv songs!:) next time di na siguro ako magtatanong peborit nyang kanta...baka maloka na ako sa sagot nya...hek!hek!
4 comments:
AT tinanong mopadaw kung nag senti ka samantalang alam mo na ang sagot! OO nag senti ka kapatid! weeeeeee...
ganyan na ganyan din ako. naiiyak ako tuwing maririnig ko ung kanta ng Jeremiah, lam mona cguro yon... baka pakantahin mopa ako..
Nways, op cors mkakarelate ka sa kanta, kc tao nman ang nag sulat nun e, kung baga galing sa totoong experiensya. minsan kc kung hindi pag iyak ang takbuhan ng isang umiiyak na puso, naidadaan sa pag gawa ng kanta, at least nagkasilbi sya hindi ba?
MAsaya sa pakiramdam ang makapag pasaya ng isang tao, lalo nat alam mo na kailangan nya ito. pero minsan lang, di nman mapigilan na unti unti na tayong bumibigay sa tao, or maaaring sa sitwasyon lamang. Kaya kung alam mong wala ng pupuntahan, lagyan mo ng palatandaan kung hanggang saan pwede lang ang dapat mong tuntungan.
Pahabol:aba dumarami ang fans mo iha!! ipagpatuloy!! bwhehheh
naku TK!buo na naman araw ko sa mga komento mo! a big thanks! lab na talaga kita!mwah mwah!
Uy email moko dito... tutubingkarayom@gmail.com
ng malagyan natin ng tag board ang bahay mo at makikita mo dadami ang fans mo..
basta give me a signal.. na GO!!!
check m email mo darling
Post a Comment