16.5.06

i wasn't able to say the line...but my actions spoke louder..

i swear i was the happiest daughter alive yesterday...i got to date with my mom since we seldom go out together...but this was the first time i gave her a good treat for mother's day..coming from my own wallet...we just ate after hearing mass...kaya lang feeling ko it went out funny coz mas marami pa yata akong in-order at kinain kesa sa nanay koh!para yatang ako ang nagcelebrate ng araw ko!anyway, as what i said in my last entry about my mom..we didn't grow up as mushy people who are not open to our emotions...kaya natapos lang naman ang araw na di ko man lang nasabi how much i luv her...but i know my actions said it all...we just plainly talk...let her ate the food she wanted...ganun ako kasimple magpahalaga...words don't have to say it all..but my heart is big enough to try hard to show it...

..seems like this year ko lang talaga masyadong napahalagahan, na-enjoy at na-cherish ang lahat ng moments ko with my family...kasi nga we're busy people...di naman kami yumaman!hehehe...i guess we just don't have much time to spend each other's company together..ito lang siguro ang kulang sa'min...kaya may mga times na hindi kami halos nagkakaintindihan sa bahay kahit sa mga maliliit na desisyon tungkol sa isang bagay....99% of the members of my family are all superiors...kaya we always end up on a debate...one time naalala ko...nagkaroon kami ng diskusyon with mama and papa..kaming tatlo...i tried to be calm dahil alam ko we'll end up on a debate kung di ako magpapatalo...at the end of our discussion..i found myself laughing...totoo nga talagang parents are born superior and dominants in some ways...wala talagang nagpatalo sa kanila...kaya i kept quiet na lang and listen...mabuti na lang kahit papano..i was given by God the wisdom to understand things i cannot change...diplomatic at tamed din pala ako na nilalang kahit papano..

....anyway...mabalik ako sa mother's day...ang sarap lang kasi talaga ng feeling yung maibalik mo sa parents mo ang pasasalamat sa lahat ng sakripisyong nagawa nila sa'yo...even in my own little ways..i want them feel how much they are loved because they deserve it...dati hindi ko pa magawang makipagbiruan sa tatay ko kasi nga lagi nya akong kinukontra...and i hate his reasonings...but this time...i can say that i've grown up to be a very understanding person na pala..or it' s either alam ko na when to respect every person's idea kahit minsan di ko talaga mafigure-out....hindi na ako nakikipagtalo...ako na ang tumatahimik kahit inis na ako..till mapagod sya sa kasasalita and he would stop talking na rin...later on we stopped arguing na rin...kasi naman mas tahimik ako ngayon kesa dati...alam ko na kasi ending ng diskusyon if makipagtagisan pa ako ng galing....

hindi ko nasabi sa mama ko ang linyang "happy mother's day!" but deep in my heart alam ko how much she enjoyed the moment we had together yesterday...aware naman sya sa reason why i dated her...kaya ok na rin yun..hindi lang talaga ako sana'y makipag-exchange ng mga sweet nothings with them eh! para bang i felt awkward...hindi naman kasi ganun ang pagkakilala sa'kin ng nanay ko...sabi nya napakatahimik ko daw na tao...di lang nya alam na sa mga friends ko, ako ang pinakamaingay...abah!may split personality yata ako!normal ba to? kung bakit naman kasi lumaki kaming magkakapatid na hindi sinanay makipag- kornehan sa isa't-isa! yun bang pag nasaktan ko si ate o si kuya i can easily say" i'm sorry!" , sa actions na lang maipapakita if nagsorry talaga ako..ni hindi nga kami nasanay sa tawagan na "ate at kuya" eh! ewan ko ba!hindi naman kami lumaking barbaric na magkakapatid pero wala talagang korne sa pamilya namin! minsan nga nakakapanghinayang...kasi may mga bagay na dapat sabihin talaga to console each other pag may personal problem yung isa...wala lang..we just try to put it into actions...minsan nga humuhupa na lang yung problem ng isa na walang narinig mula sa amin...kaya ako dinadaan ko na lang sa dasal...para kahit papano effective ako na kapatid...minsan naiinggit ako sa iba na hindi nahihiyang magpakita ng emosyon sa mga kapatid at magulang...yun bang may halong beso-beso kapag may mga special occasions...i feel lousy din naman kung gagawin ko yun...alam nyo yung feeling na di nyo nakasanayang gawin...pero unti-unti na kaming may bonding ngayon...dati we didn't hear mass together...but then nung easter sunday...i went to hear mass with papa...then nung huling sunday before mother's day...kasama ko naman si sis nagsimba...ok rin pala na gawin ang mga di nakasanayan ng paunti-unti...dati kasi may kanya kanya kaming rota pag walang trabaho...kahit sunday..may kanya-kanyang lakad...but this time...unti-unti na kaming lumalabas as one...yun naman talaga ang dapat...isang pamilya kami eh and we only have each other to lean on in times na wala na kaming matakbuhan...

ang saya ko nga last Christmas kasi that was the first time na lumabas kami lahat as one family we ate together and shopped together...di ba ang saya nun?....na ang mga di korneng tao...kahit papano mas na-eenjoy deep in their heart na sa buhay ...we have to be corny para maipadama sa isat-isa how much we value our family.

happy mother's day mama! alam ko di mo nababasa blog ko kasi wala kang alam sa computer at medyo shy din akong mabasa mo to' pero i hope you'll realize now how proud I am to have you..kahit minsan naiinis ako na sa tuwing inaabot mo ang pamasahe sa jeepney ay sinasabi mong "senior citizen ka na!"...di ko lang matanggap na matanda ka na...di naman kasi halata sa face mo! lab U!:)

9 comments:

lheeanne said...

Sayang din yung discount ng Mama mo sa pamasahe ah! mahal na kaya ng pasahe ngayun. Kung pwede ngalang mag-aral ulit laht ng tao para mga discount sa mga students heheh!!

Anyways, totoo ung action speaks better than words, pero mas masaya din dba kung masabi mo parin ung love mo for them?

di nman mahirap gawin yun.. pero di makukuha sa biglaan.. unti untiin mo.. den ul realized one day super open na kayo sa isat isa...

masarap ung feeling na mase-share mo rin sa kanila ung nase-share mo sa mga frens mo.

wag mong itago ang mga emotions mo... baka magka pimples ka!! heh

ev said...

oo nga!sige lang try ko yan i-goal paunti-unti...si TK talaga lagi first honor dito!asan na ba yung tinda moh?hehehe

Anonymous said...

belated happy mothers day to your mom.

good,pwede na akong magcomment :)

salamat pala sa "hello" mo sa entry ko
:D

gawa na ang bahay mo,yay!congrats!
ako,lilipat din...malapit nah..

lheeanne said...

Anong tinda ko? bwheheh!! naging tindera narin pala ako dito... masay ung open ka tlga sa mga parents mo, ako nga kina -kareer ko ang pagiging close sa mother in law ko at mga kapatid ng asawa ko! feel na feel kong ate nila ako!

Ann said...

Mahirap nga siguro pag di mo nakasanayan, corny nga siguro sa paningin ng iba, pero kami pag nagkikita-kita na magkakapatid, may hug and beso-beso talaga.

Kaya yung mga kids namin ngayon natural na sa bibig nila yung salitang i love you. Siguro hanggang paglaki nila di sila mahihiyang sabihin sa amin yun dahil nga sa ganun namin sila pinalaki.

Pero tama ka, action speaks louder than words, kung di mo masabi ipakita mo di ba?

ghee said...

hello,ev..i moved my site..kindly update the link(na di ko makita :D)later..thanx!

ingat na lang..

ev said...

to TK...di ba pinagbili mo blogsite namin?alala ko dalawa kami eh!hehehe..salamat TK..consistent ka talaga!magsenyas ka if magkakababy ka na ha!ako ninang!hehehe

To ghee...di ko pa malagyan link bahay ko...i nid enuf tym kasi..bc pa ko sa ofis..i will one day..thnx!

To ann...ako rin pag nagkapamilya ako sasanayin ko silang maging very open sa feelings nila...salamat ann!

lheeanne said...

Onga pala, binenta ko ung blog mo, o tamo dami na ang suki ko.. hehe! padami ng padami ag mga bisita mo... sana mag ka time ka para sa mga link... masaya kc ung feeling na mkita ng mga bisita mo ang bahay nila dito.. xlink kung baga.. link ka nila, link mo sila.. tapos certified kapit bahay mona sila. oh dba ang saya! hehe!

ev said...

Naku Tk!pramis nxt week aasikasuhin ko na ang link na turo mo!gustong-gusto ko na talga di lang ako makatiming.