25.8.07

Hamon ng buhay....

Parang sandali akong nayanig ng mga pangyayari sa paligid ko, hindi lang dahil magulo pa rin sa Mindanao dahil patuloy pa rin ang mga giyera,patayan at terorismo...at maging pala sa personal ko ring buhay. Hindi naman ako naghihikahos...sapat naman ang kinikita ko upang kahit papano ay mamuhay ng desente. At dapat lang na masaya ako sa buhay dahil yun ang tama. But I guess I am a big wrong...and that money cannot buy everything. Ito ang pinakamalaki kong reyalisasyon sa buhay. Na hindi pala talaga lahat ng kaligayahan ng tao kayang tapatan ng bagay o pera.

Malungkot ang paligid ko..paano ko magagawang sarilihin ang maging masaya kung apektado pala ako. Sabi ng isa kong kaibigan..."pagod na akong magpakabanal, ev!"...para akong nalunod sa lungkot nung marinig ko yun sa kanya. Sana kaya ko ibsan ang kanyang sakit na nararamdaman. Sabi naman ng isa ko pang kaibigan, "mahirap kapag yung tama ang kelangan gawin..dahil minsan may halong sakripisyo."

Minsan kapag di ko na kaya sagutin mga tanong ng isang nasasaktan na pwede ring isa ako sa kanila, tumitingala nalang ako sa langit...baka sakaling nasa ulap lang ang mga sagot at lunas ng nararamdamang lungkot. Sabi nga sa kanta ni Yeng sa "hawak- kamay" di ba?

Masarap ang mabuhay , sa totoo lang. We have all the things in the world so freely laid to us by God. Nasa atin na lang siguro ang diskarte kung paano natin ito harapin o tanggapin ng nakangiti kahit sa sulok ng puso natin, may kirot palang nararamdaman. Ang drama talaga pala ng buhay ano? Akala natin sa mga teleserye o movie lang natin napapanuod. Parang extra-challenge...kapag di ka pumasa sa pagsubok, talo ka sa laban ng buhay. Pero paano nga ba ang di matinag...tao lang naman tayo..mahina..mahina tayo dahil nakadepende tayo sa sarili nating lakas at kakayahan.

Sabado ngayon, bukas ay araw ng linggo...kapag nagsimba ako bukas and i will surrender all my weaknesses to God..lalabas kaya ako ng simbahan na nakangiti?...yung totoong ngiti ha..because God already eases my pain away and carry the load for me.

7 comments:

Unknown said...

we are all survivors... lahat ng pagsubok ay kaya natin..

paano nga ba maging masaya?? sa harap ng pc ko nagiging masaya ako..ahehehehhe..

bukas pag katapos mong ibulong lahat kay God, magiging magaan na ang pakiramdam mo..(mamaya pala)

Anonymous said...

life is a rollercoaster, (ingon ni Kris Aquino di ba), sometimes we're up, sometimes were down- and if we're in the down most part of our lives we thought of it as the ending, parang wala na..pero naa pa baya'y ugma. Unya dili baya ta hatagan og problema nga dili nato makaya..

I know that it's hard to deal with but we need to...we have to. After all, wala man pud lami ang life uy kung walay challenge, basta ang akong ika-ingon lang gyud...

JUST HANG ON. Life doesn't end when you badly stumbled once upon a time in life, look ahead and you will know there's a lot more things life is offering you.

Mari said...

Life is not perfect. There are storms we have to weather sometimes...and it could be just a little rain, a heavy downpour or a typhoon. But we go through them, and in the end there's always the sun behind the dark clouds. Don't give up.

Anonymous said...

Subday na ngayon and i'm sure you went out of the church with a big smile. Tama ka, di bagay o pera ang nakakapag-apasaya sa tao although God uses money to bless us and others. At tayo namang maging good steward ng money na yan at dun tayo liligaya. its not the money perse but the blessings of God that have been given to us. Its just how we look at the situation.. we are blessed Ev

ev said...

Salamat po sa inyong napakagandang mga komento..akoy nagagalak dahil alam kong sama-sama tayong lumalangoy sa agos ng buhay...may kanya-kanya mang pananaw pero pagdating sa dulo..hawak kamay pa rin tayo na di kailan man sumusuko.

my best wishes to all of you guys!

Anonymous said...

evz- sounds familiar for me ang line na "pagod na akong magpaakabanal ev". hmmm... yeah, you see my depression this past week. I though i already overcome but i didn't yet.

Life goes on, no matter what.

Anonymous said...

wow! ur msg eve really inspired me,,although,i dnt really know u,but we have the same feelings and thoughts about walks of life,,mdalas ko dn msbi sa sarili ko,"untill when i need to suffer and sacrifice? just to please everyone i love? but God is indeed a listening God, He eases my heartache s and pain every time i draw to Him and He always ans my prayer in different ways and time,,,manatili lang po tau maniwala at manalig sa Dios cuz He descern us in every situation,,,keep in mind that nothing is imposible with Him cuz He is the great God frm since then,,,dnt give up,ur not alone,,,