4.7.07

Baha at paniniwala...

Hinintay kong tumila ang napakalakas na ulan kanina bago lumabas from work. Eto ang lagi kong pinangangambahan...tag-ulan na naman. Ok lang sana kung kahit araw-araw umulan,huwag lang ang laging binabaha sa daan. Malayo pa lamang ako sa aking uuwian ay nakikita ko na ang mangyayari sa paglalakbay kong iyon kanina. At hindi nga ako nagkamali...isang napakahabang traffic ang nag-aabang dahil sa bahang aming susuungin. Pasimpleng nagsalita ang driver ng taxi na aking sinasakyan...at eto ang kanyang tanging nasambit.."Bahala na!" na ang ibig sabihin ay talagang lulusob sa abot-tuhod na baha ang kay liit nyang taxi! Gusto kong makiusap na mag-U-turn na lang kami at humanap ng daan kung saan sigurado kaming makarating sa aming paroroonan.Pero tila ang pumasok sa isip ko ay mag-usal nga kaunting dasal.Habang unti-unting umusad ang taxi na aking sinasakyan, halos lumuwa ang aking mata sa aking nakita..kalye pa ba eto o dagat? Ramdam na ramdam ko lang naman po ang lamig at tilamsik ng tubig baha na aming dinaanan. Halos nakalimutan kong huminga nang sandaling iyon...paano na lang kung biglang tumirik ang taxi at kami'y ma-stranded sa napakalalim na baha! Ngunit nang kami'y makaalpas,hahayy..abot-langit naman ang aking pasasalamat. Salamat po Lord at ako'y maayos na nakauwi!

Ang totoo hindi ko alam kung himala yun..kasi halos lahat ng maliliit na sasakyang aming kasabay na lumusob sa baha ay tumirik talaga sa gitna.....pero nalampasan namin.Abot-tainga naman ang ngiti ng taxi driver sabay sabing,"salamat sa iyo taxi ko..dahil kinaya mo!" Pero ang totoo, hindi ng tibay ng taxi kung bakit nalagpasan namin ang baha kanina kundi dahil sa paniniwala...dahil sa munting dasal na maaring lihim nya at aking nausal ng sandaling iyon.

4 comments:

Anonymous said...

Gimingaw ko sa ulan diha sa atoa, taligsik ra intawon diri sa amoa :-(..

I miss watching how would we run and magbukhad og payong...

I miss Davao..

Unknown said...

akala ko ba hindi umuulan sa davao?? hehehe. bakit nun tym na nagpunta kami hindi naman umuulan...

ah oo nga pala tuwing gabi umuulan dyan, kaya hindi tayo makagimik sa gabi.

ok ang taxi na nasakyan mo, kase sobrang maliliit nga yun mga taxi jan.

....Mind is powerful din, kaya pag inisip mo na hindi titirik, malamang hindi nga..

Anonymous said...

Hay naku nakakatakot ung ginawa nyo ah! pano kung tumirik nga? hhehe joke! alam ko nman na kapag taimtim ang dasal laging ginagabayan ni Lord...

ev said...

Gladz,
'I miss watching how would we run and magbukhad og payong..."..tinuod jud ka...kakamiss ang mga rainy moments natin and yet we were able to deal with those instances with happy feet!ang atong mga jowk dili mabayran..i miss a lot about us guys!;0)

you take care!

Razzberry,
yah..mind is so powerful...but above all..its prayer,really. Tag-ulan nga yun nung andito ka..gimik na sana tau nun diba kaya lang di kau nakarating sa MTS kasi nga ang lakas ng ulan..

i hope one day..whether it rains or shine..kitakits tau uli..this time,kantahan na talaga huh!hehe!

tiks,
lokong driver na yun...may pagka-daredevil din yun ah,,akalain mong sumuung talaga sa lalim ng tubig-baha..at ako naman si munting kuting eh,talagang grabe ang kaba..i swear i really stopped from breathing for awhile that time..para kaming nasa isang race..buti na lang wagi kami..of course..God is so powerful..alala mo yung story sa Bible?yung nahati ang dagat at dumaan ang mga tao..ayy suuss..parang ganun ang instance.