10.7.07

Kwentong Tyangge....

Nung sabado ng hapon, naaliw ako sa paglalakad-lakad sa Victoria,isang simple at di gaano kalakihang mall dito sa Davao. Wala lang..pampalipas oras..at the same time sabay tingin sa mga maliliit na boutique o mga tyanggehan. Mas marami kasing mura sa mga tyangge ngunit quality naman ang uri ng mga ito. Hindi po talaga ako fashionistang tao,I swear. Mawala na ako sa uso,pero mas gusto kong magdamit kung saan ako comportable. Ewan ko ba, sa lagay na ito eh parang ako na lang yata ang natitirang kauri ni Maria Clara.

Di rin naman ako konserbatibo pagdating sa pananamit,sabi nga nila "if you have it then flaunt it!eh kaso, medyo shy akong magflaunt kung anong meron man dapat i-flaunt..grabe ang confidence level ko...as in,i still have to dig it 10feet underground!Wala talaga, sayang na sayang ang gandang bigay ng langit...nyahahaha!Maong jeans lang at t-shirt na medyo may curve naman kahit papano(naks!)eh,"tsoks" na sakin yun.

Nung sabado, meron akong nakitang medyo babagay din naman sakin..naks!kaya dali-dali akong nagpunta sa fitting room. It happened naman na isa lang ang fitting room sa maliit na boutique na'yon kaya may nauna na pala isang babae. Pagpasok ko,sabay sabi ko sa babae habang inaayos nya self nya sa harap ng salamin. "Uyyy! miss...nice gud!(with feelings pa yun huh!)"which means, ang ganda nung suot nya..akala ko kasi yun ang sinusukat nya. Pero napahiya ako nung sabihin nya, "Akoa man ni miss,dili man ni mao akong gisukat",sabay turo sa blusang katatapos lang pala nyang isukat pagpasok ko.Nngeh!kanya pala yun at di yun ang sinusukat nya!Sabi ko naman,"hala!mas nindot pa imong suot kaysa sa imong gisukat miss!..sabay tawanan kaming dalawa. Joker man diay ko..kalimot ko dah!hahaha!

Pero, I swear natawa talaga ako sa sarili ko..pupuri rin lang palpak pa!haha!at sa kapal ng mukha ko tinanong ko pa yung babae kung saan nya nabili blusa nya. At nainggit daw po ang lola nyo!?hahaha!Hmm...la lang...napakwento lang. Ang saya pala mamili sa tyanggehan... nakakatipid ka na,may baon ka pang kwento. In fairness nakabili ako huh,gusto nyo makita? next time.. papicture ako kasama prince ko!hehe!ay nakuuu!ang ganda ko in pink...talo ko pa ang nag-debut!;p

6 comments:

tikey said...

Sana tinanong mo kung pwede mong bilhin..! bwhheheh!

Mari said...

Nakakatuwa naman. Di ba kayo naging best friend nung ale?

ev said...

Tiks,
nyahahaha!Mukhang mahal yun ah!;0)

Mari,
Yup...very funny experience...buti nga di kami naging mag best friend!hahaha!

razzy said...

aba at nakipagchikahan pa..hehehe

oo nga masarap din mamili sa tyange.. yung pera mo ang daming nararating... i love shopping at divi, daming mabibili sa 1thou mo..

Gladys said...

I remember when we used to go shopping and hubuan ang maniquin (spell check pls), then after a while mangaon og manok. Walang katapusang 'fried chicken', walang katapusang 'Mang Inasal'..

Those are my most treasured moments..i love reminiscing it over and over again. Labaw na kung magminaldita ang tindera, ato dayon sungogon..haha.

It's fun..

M glad nga ginahimo gihapon nimo..

I miss you tya.

ev said...

razz,
sa wakas nakapasok ka rin sa comment box ko!haha!mas marami kayang tyangge dyan sa manila kesa dito sa dabaw..at mas mura pa..huh!kuripot ba talaga ako?haha!

Gladz,
Tya, i miss the coffee thing, the malling, the gigs, and the laughs we've had at the BD haus...lahat nang iyon..i really do cherish and treasure...and yah, these are the things that i so miss with u and sheng..ang huboan nimo ang maniquin kay di makaya ang style sa dress..gusto jud kaau nimo..hayyy..till next time my fren!Solo flight una ko ron.;)