Four years ago, nakilala ko si Liz thru our neighbor. Nanilbihan sya bilang katulong sa isang mayaman at kilalang pamilya near our village. Madalas ko lang syang makita nuon sa aming lugar dahil dumadalaw sya sa kanyang kaibigan. Isang simple at mapagkumbabang tao si Liz. Hanggang sa nagkaroon ako ng kaunting parte ng buhay niya. Naghahanap pala sya ng tutor upang kahit papano ay matoto syang mag-inggles dahil meron syang penpal na kano.
Nagkakilala kami ni Liz kahit papano nung mga sandaling andyan ako para turuan sya ng mga simpleng dialogue sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa salitang inggles. Hayskul level lamang si Liz sa kanilang probinsya at nakipagsapalaran dito sa Davao dahil sa hirap ng buhay. Nagulat pa ako dahil we really started in our tutoring session from scratch. Mula sa simpleng prepositional phrase hanggang sa naging translator ako minsan sa tuwing gumagawa sya ng reply letter.
Minsan sa aming pagpapalitan ng ideya, hindi namin naiwasang pag-usapan ang kanyang tunay na katayuan sa kanyang pamamasukan. Nakakalungkot na nagtitiis pala sya sa pangit na pag-uugali ng kanyang mga amo. Hindi ko makalimutan na may sandaling, Liz would narrate to me her experience with teary-eyes. Duon ko naitanong sa sarili ko at maging sa Diyos kung paanong hindi pantay ang buhay at katayuan ng bawat nilalang sa mundo.
"I saw injustice seeing Liz in such a sad dilemma". Ang laiitin, maliitin at pagdamotan ng mga taong akala nila'y madadala nila sa hukay ang kanilang kayamanan at tanyag na pangalan. Pagkalipas ng ilang buwan, Liz was petitioned by her fiancee to US and after few months, na-grant naman ang kanyang visa agad. Pagkatapos ng maraming taon, after hearing that she was doing well in the US with her husband dahil pagdating nya duon ay agad silang nagpakasal, lumipas ang ilang taon na wala na akong naging balita sa kanya.
After 4 years, nabalitaan kong nakauwi na pala sya dito sa Pinas. I found out that her American husband died of a cancer. Infact, nag-usap pa kami ni Liz last week sa telepono, balita nya sakin na dala-dala daw nya ang abo ng kanyang yumaong asawa dahil hiling daw nito bago pumanaw na nais nyang dito sya mahimlay sa ating bansa. Liz sadly narrated to me how much her husband wanted the Philippines and how much she also missed him.
Maganda na ang naging katayuan ni Liz. Nakabili sya ng bahay at lupa dito sa Davao para sa kanyang pamilya at nagtayo ng maliit na negosyo para sa mga magulang nya. Bukas ay babalik na muli si Liz ng Amerika dahil naroon ang kanyang trabaho, bilang caregiver sa isang nursing home( for the old-aged) sa Wisconsin. May naiwan ding pamana mula sa kanyang yumaong asawa at itoy ang kanilang bahay at lupa na plano nyang ipagbili sa kanyang pagbabalik dahil ayaw nyang mabuhay mag-isa sa isang malungkot ngunit puno ng alaala ng kanyang asawa sa bahay na iyon.
Life is truly fair! And we all have our own share of luck if we only persevere and remain humble. And God truly lifts the humble.
Si Liz ay isang simpleng halimbawa na sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan nuon ay sinong mag-aakala na isang masaya at masaganang buhay pala ang naghihintay para sa kanya. Ito ang huli nyang linya sakin bago naputol ang aming pag-uusap. "Masaya ako sa aking trabaho sa Amerika, sa katunayan, hinahanap na ako ng isang matandang inaalagaan ko duon dahil nagustuhan nya ang aking serbisyo. Mababait sila sakin duon. Sa ngayon, masaya at kuntento ako dahil kahit papano naiahon ko sa kahirapan ang aking mga magulang".
I wish you luck Liz!Keep the fire burning ...dahil sa iyong tagumpay lihim akong nagbubunyi. Salamat kay Chit na iyong asawa!Alam kong isa syang instrumento upang ang mga taong tulad mo na may mabuting kalooban ay marapat pagpapalain ng nasa Itaas.
8 comments:
Yan ang sinasabing gulong ng palad. Maraming kwentong ganyan, sana mabasa ito ng mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay na darating din yung para sa kanila.
At sa mga sumasamba sa pera nila, darating din yung para sa kanila.
oo tama ka. tama din si mmy ann. basta tama. tama kayong lahat. hmmmm... dba tama nman tlga? anak ka ng tinapa me tama ako Ev. anong gamot sa merong tamang gaya ko?
Life is truly fair...at nainiwala akong isa shang deserving na tao kaya sha pinagpala ng Dyos.
sa susunod,kwento mo naman kaya ang nasa blog mo?hehe,eherm eherm...
and i wish you all the best,too,my friend :)
hugssssssss
mommy ann,
i am gad that you are the first one to make a comment here...akala ko kasi nakalimutan mo na ako kasi seldom na lang ako makadalaw sa hauz mo,medyo busy ako this week coz exam ng mga tutees ko, namimiss ko na nga mga kwento mo esp. bout josh!Gosh!i wish to hug that kid!;0)
anyway,you are absolutely right and i am so proud to share liz' story coz i know it can inspire some who have stopped searching for their dream.
Tutubi dearie,
you never lose touch of sharing the happy you...and i love it!you have such an inner beauty and warm attitude that i wish you would keep for last...don't you know that funny people are witty and smart?well,na-prove ko na yan tikz!hehe!kapal koh! i mean, You actually prove it!lab u jud fren.
my frenship ghee,
all that i blogged here are stories where i play the role of a narrator...kumbaga, salinpusa lang ako sa mga buhay nila, witness at isang tsismosang writer ng buhay ng ibang tao!hehe..anyway gusto ko nga sana life ko naman share ko, yung ako talga ang bida...kaya lang medyo shy pa ako lalo na pagdating sa lablyf!so atin-atin na lang muna yan.
pero para sayo, try ko blog life ko na naman, tulad ng "memory lane" ko before..i'll think about it!hehe
miss you gheegirl!;0
awww.. ganda naman ng story.. pwedeng gawin sa maalaala mo kaya.. :) very inspiring! and everyone must know this, that by just having faith and hope, everything will be just fine, with the help of God.. and sympre by helping themselves reach their dream too.. :)
nice story, ev. Modern Cinderella tale.
hahah! uu nga! aus! pang maalaala nga!
nandun ung sad and happy part of life... me konting twist and turn.
this story proves that God has His way of giving us the right blessings. on the right time.
me gantimpala talaga ang pagiging mabait at matiisin!
nice story
pretty kat,
thanks for your comment...and Liz' story is really inspiring..and you're right, one must help himself first reach his dream..kumbaga, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".
..pang-maalaala nga..hehe.. kaya lang kung susulat ako dun, kulang details ko kasi di kami syado nagkausap ni Liz nung huli...thanks girl!
Apong Kulas,
salamat po!sadya ko talagang i-blog ito kasi kapupulutan ng aral..oo nga ano?..parang modern cinderella tale.
to the vibrant writer lojik,
"this story proves that God has His way of giving us the right blessings. on the right time."
what a very good reflection from you too...now pa lang assure na kita that you have hundred percent chance to pass the exam!hehe
Post a Comment