Medyo ang tagal na nating di nagkausap ah!Yung masinsinan.
Masyado akong immersed sa daily routine ko...
Kahapon,di kita masyadong napansin...late kasi ako nagising.
Nagmamadali na ko papuntang trabaho.
Ayoko kasing mahuli... importante sakin yun.
Pagdating ko sa trabaho, nakalimutan ko basahin mga payo mo.
Masyado kasi akong preoccupied kung paano ko paaandarin utak ko....
..kasi long test ng mga bata nitong buong linggo.
Masyado ako na-busy sa kagagawa ng reviewers ...
...at kahahanap ng facts para sa lesson nila.
Late na kami natapos.
Ayoko kasi na matapos na lang ang session na parang wala pa rin sa focus ang mga bata.
Exhausted ako masyado pag-uwi ko.
Parang nilamon lahat ng lakas ko while i was dealing with my patience.
Pagdating ng weekend, tiyak magmamadali na naman ako nito.
Huli na naman gising ko pagdating ng linggo..
kasi puyat pa mula sa klase nang sabado...
..kaya kelangan ko bumawi ng mahabang tulog.
Lagi na lang akong nagpaplano...
... na magkita at mag-usap tayo nang linggo kinaumagahan.
Pero tinatamad pa rin akong gumising ng napakaaga...
lalo na 'pag walang pasok.
Pero kagabi...habang nakaupo ako sa isang sulok...
..naalala kita...hindi ko napansin..naluha ako.
Wala naman akong mabigat na problema..
..pero bakit ang bigat sa dibdib nang marealized ko
..na bakit lagi Ka huli sa buhay ko!
Pero andyan Ka pa rin!Di Ka pa rin sumusuko sa'kin.
Pasensya Ka na ha?
Araw-araw naman ipinagpasalamat ko kung ano na-eenjoy ko.
Pero pakiramdam ko kulang pa rin...
Kasi nga minsan nakakalimutan Kita.
Susuko Ka rin ba sakin balang araw?
Katulad ng mga taong mahalaga sakin ngunit nasa malayo?
Huwag naman sana!
Baka hindi ko na kayanin....
Sige Papa Jesus...bukas uli...usap tayo katulad kagabi.
3 comments:
bigla rin akong napaisip... noon kasing nakaraang taon, after ng pagsubok sa amin, kapit na kapit ako sa Kanya.. nung may inaalagaan rin akong relasyon. pero nung nawala yon at unti-unting naayos ang buhay namin, bigla akong nawala. at ngayon, gustuhin ko mang magbalik, palagi akong tinatamad. siguro dahil laging kong naiisip na nandyan lang naman Siya. Di naman Siya napapagod, pero mali din naman yun. Hayyy... sana makabalik na rin ako sa kanya... kaya siguro pakiramdam ko may kulang sa buhay ko kasi di ko rin Siya naiisip ngayon...
ako rin, minsan nawawalan ng panahon.. hinihingi ko na lang sa kanya, sa nawa'y mapaglabanan ko ang lahat ng sagabal papunta sa kanya, at mahikayat ang iba na ladasin ang landas na itinuturo nya..
Hindi ka pwedeng isuko ni Lord, love kanun eh! kaw pa!
Post a Comment