15.7.06

Saranggola...

Kung titingnan mo... ito'y mula lamang sa mga tagpi-tagping papel na inukit at binuo ng isang pangarap...isang pangarap na sana'y sabay kayo habang tahimik nyang dinama ang hangin sa himpapawid...ngunit napapagod din ang mga kamay sa kanyang pagpapalipad...dahil hindi pala sa lahat ng panahon..nakikiayon ang hangin upang masaya lagi ang mga buntot at pakpak ng isang munting saranggolang binuo ng isang nangangarap...kung di man bagyo o ulan ang pwede nitong sagupain...isang mapait na katotohanan na ang saranggola kahit hawak mo upang di bumaba mula sa ibayo, hinangad din pala nito na sana ang kanyang kalayaan ay maging ganap..maaring hinangad din nito ang maging ibon....malayang nakakalipad...dahil yun ang mas nakakabuti...dahil doon sya mas masaya.

..... bukas paggising ko upang buksan ang panibagong araw...ako'y malaya na...dahil tuluyan ko na pinakawalan ang saranggolang marahil nais na ding makawala. Pagod na akong makiramdam. Pagod na ako sa mga positibong bagay na lihim kong binuo sa isip ko na baka may pangarap na naghihintay para sa aming dalawa...kelangan ko nang palitan ang isang "butas na saranggola".

(at nagsenti daw akoh!!na di alam anong nais iparating dito!hehee, kasi naman kahapon.....di bali na lang!kagabi ko pa pinakikinggan kanta ng Shamrock na "alipin"..ang lupeet!)

8 comments:

lheeanne said...

Naku wag kang magpaka alipin.. tamo ung saranggola diba hindi sya nagpapatanganay sa hangin, pabaligtad kung syay lumipad...

sabi nga nila hindi araw araw pasko, hindi araw araw masaya... merong araw pag gising mo, malungkot ka.. dimo minsan alam ang dahilan...

Mas maaapreciate daw natin ang isang tunay na saya kung nagdaan tayo sa lungkot at maaapreciate natin ang tagumpay kung nagdaan tayo sa mga pagsubok..

ganyan lang ang buhay,,, ang inyong lingkod... Mel Chiangco

ghee said...

waahhhh..ikaw pala ang nagpaumpisa ng senti,sinundan ni TK,pati ako,nahawa...

hayy,ano ba yung saranggolang pinawalan mo Ev...i`ve no idea...

pero,minsan,kelangan talagang may pakawalan para ma embrace ang panibagong bahay o simula...

im happy for you,though,that you did be able to let go something..,coz I know that its not that easy and you have the courage to do it..

lets just welcome the new day :)

Ann said...

Malay mo may panibagong saranggola na dumating sa buhay mo di ba? This time di na sya mag-isang lilipad, kasama ka na.

ev said...

tk,
ang seryos mo di ko kinaya!weheheeh...tama ka dyan..kelangan ko lang talaga ilabas ang nararamdaman ko dahil baka sumabog ng di ko mamalayan.

ghee,
my past love...kaw na bahala mag-understand kung bakit need ko na sya pakawalan...pero ok na ko...friends na lang kami...nakupoh!kakahiya at nagsenti talaga ako!sabunutan mo ko ghee pag nagkita tau!;0

ann,
ang galing ng idea mo...may bago ngang saranggola...mmm...sige lang magkukwento ako in time pag nagtagumpay ito...pag di naman...kwento ko pa rin para update lang...thanks for the comment...ang seryos ko oi!!pero kelangan minsan.

Anonymous said...

bat saranggola napili mo? ayaw mo ng baloon?

eroplanong papel? balahibo ng ibon?

hmmm

ghee said...

loko talaga tong si kneeko,hehe..

palibhasa arw arw,nagpapalipad sha ng ..
no.2 at no 3,hehe,i mean..buhangin pala! haha! wala lang,naggulo lang Ev!! :D

wala kasing tao dito sa bahay mo,di bantayn ko nga!

ev said...

kneeko,
honga ano?bakit nga ba saranggola?la lang...katulad ng entry mo blangko din utak ko ng maisip ko ang titulo..baka sakali may koneksyon!;0)

ghee,
hahahahaha!ayos ka!ayan!fren ka talaga kasi pinagtanggol mo ko sa isang asungot jan!lab u ghee..hehe

Unknown said...

bili ka na lng ng bago, un matibay ang materials, wag yun papel kase konting hangin lng nun, mapupunit na.. bwehehehehe..
tapos dalhin mo sa jack`s ridge, at paliparin mo dun...