mekaniks:
1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento,galing sa fairyland nya,nakarating sa bansang Hapon kay Ghee.Tapos naglakbay sa Pilipinas....Si Ghee ay nag tag(kasama na ko).
2. itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.
Ang ita tag ko na magtutuloy ng kwento ay isa lang,si TUTUBING KARAYOM, ang aking mahal na kaibigan.
Ang katapusan ay sa ika sampung(10)tag..ano kaya ang magiging wakas??
Ok,katuwaan lang...
CHAPTER III.
Bago ako nakapagpasya ng tuluyan sa aking balak, muli kong binalikan ang isang alaala kung saan kapwa nami dinama. Natagpuan ko ang sarili ko sa tabing-dagat. Habang nakatingin ako sa bawat dampi ng alon sa aking mga paa, binabalikan ko sa aking imahinasyon ang lahat sa amin sa pook na ito....na ang tangi lang naming saksi ay ang alon. Hindi ko napansin,isang butil ng luha na pala ang aking pinakawalan. Ah!Kung hindi lang ako nagdesisyon ....baka sana'y kasama ko pa sya ngayon! Bigla bumilis ang pintig ng aking puso. Hahanapin ko sya....at buo na ang desisyon ko. Pupuntahan ko sya.
Sabado ng madaling araw ng marating ko ang lugar. Malayo-layo rin pala ang aking biyahe at ako'y nakatulog. Nagising ako ng isang tinig..."Miss, di ka ba bababa?Andito na tayo!". Isang gwapong konduktor ang bumungad sa'kin. Mmmm..kahawig niya si Kneeko ah!hahahahha!(babatokan ako ng girlpren nito!wahhhh!).
Nasa terminal ako ng makaramdam ako ng gutom habang tinatantiya ko kung saan ang aking tungo. Hahanapin ko sya. Ito ang paulit-ulit na sinasambit ng aking puso at isipan. Tiningnan ko ang perang natitira saking pitaka. Kasya pa ito! Ngunit sa lakas ng aking tensyon at excitement, kinalimutan ko ang gutom pansamantala. Pumara muli ako ng masasakyan papunta sa kanila.
Sa wakas..andito na rin ako! Isang pulang gate ang nakaawang ang aking nakita sa di kalayuan mula sa aking binabaan. Isang lalaki na may makisig na tindig ang aking nakita palabas ng gate. Pamilyar siya...ah...siya nga!Siya ang lalaking matagal ko nang gustong makasama at mayakap. Napangiti ako at nakakita ng pag-asa. Humakbang ako papalapit..matamis ang aking ngiti... ng biglang.... may isang babaeng may akay na batang lalaki ang lumabas rin ng gate at lumapit sa kanya. Hinalikan nya sa noo ang batang hawak nito at pagkapos naman ay hinalikan sa labi ang babae. Natigilan ako.
Itutuloy.......
(TK..kaw na bahala dito..wahhh ayoko na!masyado akong nacarried-away...ang hirap mag-emote ha!)
8 comments:
Waaaaaaaa... pinag kaisahan nyo ko ha!! akala nyo siguro gaganda ang love storing ito.. bwhahha!! wait lang ha! iniiba kolang kulay ng bahay ko.. sawa nako sa green.. kc dinako green minded.. blue nman heheh
hmmm,sabi ko na nga ba,pag ikaw ang nagtuloy neto,lab story talaga ang dating hehe,medyo kinilg na ko ng konti nang biglang...
@TK,wag mong gawing comedy ha? hehe,nagrequest pa eh..hindi ah,free ka kung ano ang kasunod nyan,kaya nga tag..sabi ko na,makakarating din sa yo haha!
Evs,ilalagay ko to sa note pad ko,kasunod ng iba pang story,i file natin,kasama si Dyosa shempre!
good job,Evs!!
TK,
dalian mo na chapter mo tk..you are the director this time..bahala ka na mag-imbento..magaling ka naman eh..lam namin yun!hehe..excited na ko sa ending ah!
ghee,
pareho ba tau ng nasa isip?hehe...nag-emote yata ako masyado dito..ang galing ng idea ni dyosa ha!sinubok yata talaga kung hanggang saan imahinasyon ko ah!pero nag-enjoy ako ghee..tagal ko na rin gusto gumawa ng novel...hehe..excited na ako sa kwento ni tk!
sige ghee compile mo lang ...ang saya nito..aabangan ko rin!
hala ginawa akong konduktor.... toinkkkk ayan may batok ka na hahaha..
ang galing naman... kaya lang kakatawa mga kwento nyo. magkakaiba, nakakalito tuloy. ano kayang the end nyan? hehe! sana happy ending. teka, punta muna ako sa haybol ni tk!
Dami pala tong mga kwentong ito, yung huling nabasa ko papunta na sa mental..hehehe..kaka excite ang ending.
Can i make the kwento tuloy? i love ksi the katuwaan u created guys.. i love it...
Post a Comment