Nang pumasok ako ng klase, ewan ko lang kung napraning ako sa naging katayuan ng shoes ko at di na ko nakapagconcentrate...natakot ako na baka tawagin ako ng prof namin at papuntahin sa gitna..syempre kelangan ko maglakad papuntang harapan!Basta ang alam ko, gusto kong bilisan ang takbo ng orasan para matapos na ang araw na yun at makauwi na ko.Di ko alam kung matatawa ako o maiiyak tuwing naalala ko buhay ko bilang working student.
Natapos ang contract ko as working student sa isang di magandang insidente. Hindi ako naka-duty ng araw na yun dahil may exam ako na nataon naman sa oras ng shifting ko. Nagpaalam ako syempre at nagbilin sa isa kong kasama na working student din na sya na muna bahala sa library habang ala ako. Nag-usap kami ng maayos a day before, pero naaksidente ang kasamahan ko with her boyfriend sakay ang motosiklo. Wala akong kaalam-alam sa nangyari nung una. Kaya hindi sya nakaduty at walang staff na nagbabantay sa library. Nagulat na lang ako kinabukasan nang kausapin ako ng head namin na tapos na daw contract namin as working students dahil sa nangyari,dahil napabayaan raw namin ang aming mga trabaho.In short, nadamay ako sa nangyari sa kaibigan ko. Gusto ko sanang magpaliwanag sa totoong dahilan pero nagdesisyon sila without trying to get our side. Akala ko, lahat ng professionals, professional din mag-isip...mali yata ako sa taas ng tingin ko sa management. Kaya umuwi na lang ako at sinabi sa nanay ko nangyari. Ok naman yung friend ko na staff din at nagsorry naman sya sakin sa nangyari. Of course naiintindihan ko, aksidente yun eh. It just happened that our bosses are not that considerate or broadminded.
Umiyak ako after i told my mother bout it. Natakot kasi ako na baka hindi ko na maitutuloy ang kurso ko. Pero sabi ng nanay ko, igagapang nila ni tatay pag-aaral naming magkakapatid. Lalo akong nalungkot dahil alam kong mahihirapan sila sa mahal ng tuition sa college. Kaya i pursued my study. Para din akong kumuha ng kursong engineering nun, five years ko kasi natapos kurso ko sa college of Arts. Di makapag summer classes o full load dahil di sapat ang pera. Nasubukan ko pa nga mag promissorry note at di pinagbigyan ng madre. Akalain mong sabihin pa sakin na bakit pa daw ako nag-aral kung di naman kaya!?Nang lumabas ako ng ofis nya, gusto ko syang isumpa sa pagiging madre nya!hehehe..sumasama na ugali ko ng time na yun ah! Ang sakit naman kasi ng sinabi nya, para syang di nagsilbi sa Diyos.
Sa awa ng Diyos natapos ko rin kurso ko. Hayyy sa wakas, graduate na ko!!!Naluha ako after I got my diploma! Hindi ko kasi expected na nakatuntong ako ng stage...hehehe..ang drama noh!ang corny!;)
When I finished college, ang tagal ko rin nakahanap ng trabaho. Pero sabi nga nila, pag may tiyaga, may nilaga! Nagkaroon din naman ako ng desenting trabaho kalaunan.Sa dami ng pictures at resume na naipamahagi ko sa mga inaplayan ko(na nagmukha akong wanted!) sa wakas meron din nakapansin!:0)
Ngayon iba na namanng hamon haharapin ko. Panibagong yugto, panibangong responsibilidad. Hindi man matapos- tapos ang pagsubok, maybe this time pinatibay na rin ako ng panahon. Mahina pa rin deep inside, sumusuko pa rin minsan pag di na kaya...pero isa lang pinanghahawakan ko..maaring nating lahat...and it's our FAITH!
And yes...life is a JOURNEY..
15 comments:
yes,EV..life is a Journey...
di natin alam kung ano ang madadaanan natin..
eto ngayon ang panibagong yugto ng buhay mo,kung baga 2nd level..
nakaya mo noon,mas makakaya mo ngayon,
just dont forget your faith..
ingat sis! :)
(para hindi na masira yung heel mo lol) joke lang..masyadong seryoso ang post mo..at post ko :(
nahiya nga ako ghee, actually..ang corny ng story koh!hehehe...next time pag bumigay na naman heel ko..tanggalin ko na lang yung isa katulad sa ad..baka mas confident ako nyan.;)
we all have our own share of struggles in life...and it's not to make us weaklings..but to hone us to be even ready for more trials to come.
Sad story pero you are an inspiration. Naghirap ka and you never give up! look at you now tapos na sa pag-aaral.
I just want to comment about sa librarian boss mo sobra naman ano? Kahit ngayon meron pa palang mga taong ganyan pati madre!
I'm new here... Taga Davao del Sur ko...andito sa Canada..
galing... bilib ako sayo.. may spirit. yun iba kase madaling mag give up. konting sakit lang ayaw na..
astig yun madre na un ah, laki siguro galit sa mundo nun..
basta gusto mo naman,makukuha mo.. basta nandyan ang patient and faith.
ako rin natagal bago makahanap ng work, halos mapudpod na nga sapatos ko.. hehehe. eventually nakahanap din..
agring,
thanks for dropping here...nakakataba ng puso..well this is really life...wala na nga sigurong spice pag walang mga antagonists..but then lahat naman siguro tayo, we have our own story like this to tell..i just happened to share some of mine...wow!taga-davao ka pala?i wish you happiness in your next home!
razzy,
naku naman!wag ka syado bilib sa'kin...my cross before was still a small thing compare to others..tsaka,sumusuko din ako paag di ko na talaga kaya..just that nung time na yun..i saw hope in my being a working stude to finish my study...oo nga!nagulat ako sa naging respond sakin nung madre..after that incident..medyo nag-iba na concept ko sa kanila..di pala lahat ng alagad ng Diyos malambot ang puso...di ko alam pinagdadaanan nya sa buhay but she seemed bitter...hayyy..naforgive ko na rin sila pati librarian namin..tagal na din nun...thanks razzy for your comment.:)
Evs,natawa naman ako sa yo...
bakit yung "memory lane" part one,niliitan mo sobra yung font? haha!
parang ayaw mo nang ipabasa ulit..biro mo,kelangan pa ng magnifying lense hehe
Life has always been a journey.. walang nagsabing madali lang ito, pero alam nating maraming pagsubok na darating.. ganun kc tlga ang life.. iba-ibang level ngalang ang mga nadadaanan natin. Pero yun din nman ang tumutulong sa pag mold ng kung ano tayo ngayon hindi ba?
Sa tindi ng dinaanan mo, for sure matatag kana ngayon.. pano nlang ung iba? at least maswerte ka, kung me madaaanan kapang iba for sure kaya mo na...
Hayan ang parang Joe d Mango na ako dito heheh
"A pessimist sees the difficulty in every opportunity; an optimist sees the opportunity in every difficulty." - Winston Churchill
For everything there is a season, and a
time for every purpose under heaven.
- Ecclesiastes 3:1
Trials... kaya mo yan ... Ev... you'll see.
ghee,
oo nga ano?ang liit ng font nung part 1..ewan ko bah>.minsan may topak pc ko..pilit ko ini-edit ang font ayaw lumaki..buti na lang kaw lang nagcomment sa liit nito!hehehe..di pwede sa mga may sira ang mata!paumanhin poh!;)
Tk,
ang serious mo this time...ganyan ba mangaral ang mas marami ng pinagdaanan sa buhay?sabi kasi nila..nway, salamat sa payo mo "ms.joe d' apple"!oh ayan, ginawa kitang apple para unique ka!...itoh na nga siguro ang teleserye ng totoong buhay...kala lang natin wala...pero meron..meron!.hehehe..familiar ba ang line tk?
James,
thanks for coming back and for that soulful message..at talaga namang binasahan mo ko ng bible ha!..really, you got it right!..tapos na rin yun..tagal na rin..this time..at least di na ko maninibago the next time.
hi ev! kakatouch ang wento ng life mo.. muntik na akong maiyak. ganyan din ako nung nag-aaral pa ako panay ang promisory..dinadramahan ko yung nasa registrar para bigyan ako ng permit.
next tym love stori naman! :-)
Yung mga hirap na pinagdaanan mo ang magiging dahilan para harapin mo ang bukas..lalim yata. But it's true mas pahahalagahan mo ang kung anong meron ka ngayon dahil sa nga pinagdaanan mo.
Pano ako di mag sisiryuso, e kaw nman ang nauna hehe!! anang ng tokwa.. joe de apple ah! bwahahah!! pwede narin mukhang masarap nman ang apple eh!! the fruit of sin.. hehe! nways hiways, ganyan tlga ang teleserye ng totoong buhay, dyan nahahasa ang kakayahan nating tumayo at mamuhay ng matatag... waaaaaaa.. tama na itooooooo
misty,
mas nakakiyak kung luv story ang ikukwento ko!heheeh..ayaw ko na magdrama!nahiya na ko kay tk!;0...sana kaw naman magkwento ng mga matitinik mong karanasan!nacurious ako sa story mo!baka naman mas pang 'maalaala mo kaya!;)
ann,
tama ka.."mas pahahalagahan ko ang kung anong meron ako ngayon"...malalim nga pangaral mo ate charo...salamat..i'll take it from you..ang sarap pala dito sa blogger ann..libre ang consultation!hehehe
tk,
siguro may pinaghuhugotan ka rin ng lakas..ang galing mo rin kaya magpayo..sigurado ka bang nasa 20's ka pa lang?hehehe..maturity anyways doesnt come with age...tama ba ko?;)
hanga ako sa iyo ev. some people who experienced even just half of the hardships you experienced would have already given up, but not you. wish you all the very best.
Evz...,
di na nag-iisa. Buti gani sayo, sungit lang boss...eh ako tiyahin ko pinagseselosan pa naman ako.di ko malimutang line niya "kung maghihiwalay sila, ako raw ang dahilan" kasalanan ko bang may tiwala at malapit yung husband niya sa akin. kaya ngayon, manigas sila sa inggit... iinggitin ko talaga sila. .. nungkang ginanyan niya ako....
Post a Comment