7.6.06

Hospital Bed...

Nagpunta ako hospital kahapon after work...dinalaw ko ang lola ko na maysakit.Naalala ko pa nung una....ayaw ko talaga ng amoy ng hospital. Kaya nga di talaga ako pwede kumuha ng medical course. Ewan ko ba, pero naalala ko sabi ng bestfriend ko nuong college. Ang pinaka di nya makakaya sa ospital ay ang marinig ang mga ungol at daing ng mga naroon. Same thing with me, nakakapanghihina lang kasi makawitness ng mga ganyang katayuan. At tsaka, takot ako sa injection! Kapag nasa ospital ako feeling ko katapusan ko na. Kaya nuong nagkasakit ako nang dalawang linggo, di talaga ako pumayag dalhin ng nanay ko sa ospital. At nung natakot na nanay ko, hinila nya na ako pasakay ng taxi, aba!di pa kami nakarating ng ospital bigla akong gumaling! Ewan ko lang kung nagkunwari akong magaling na nung time na yun, pero totoo talaga di kami natuloy. Uwi na lang kami.

Kagabi, matagal din akong nagbantay sa lola ko..minatyagan ko bawat galaw nya sa hospital bed. Paglipas ng ilang minuto ay bigla syang dadaing na kung anong may masakit sa katawan nya. I felt the sting of rationality during that time. Isang realization that we're only human...where nobody is excempted. Lalo na pag health na pag-uusapan. Totoong-totoo nga ang kasabihang "health is wealth".

Bigla ko tuloy naisip sa pagtulog ko ang mga eskenang nakita ko sa ospital. Naalala ko when my brother passed away at a younger age. Laking pagsisisi ko nuon dahil di ko sya nadalaw sa ospital. Kaya ngayon, kahit ayoko pumasok ng ganyang lugar kelangan may oras ako sa mga taong mahalaga sakin. Ayoko ng magsisi pa. Di mo na kasi maibabalik ang nangdaan. Kaya heto bumabawi. Pero ang totoo, napraning ako kagabi...si lola, nakita ko dumadaing at inaaruga ng tita ko...wala na kasi si lolo...mga tatlong taon narin ang nakalipas...nauna na syang iniwan. Naisip ko tuloy, pag umabot kaya ako sa ganitong edad, sino kaya nasa tabi ko pag nagkasakit ako(?). Isang napakalaking katanungan na bumagabag sakin habang naglalakad ako palabas ng pasilyo ng ospital. Naku!bakit ko nga ba pino-problema ang ganyang bagay...minsan talaga napaparanoid ako kapag mga ganitong kasama sa buhay na ang usapan. Ewan ko ba!Puno kasi ng hiwaga ang buhay. Lahat tayo di mahulaan kung ano tayo bukas makalawa. Ah! basta..di na ako mag-aalinlangan ipakita pagmamahal ko sa mga tao sa paligid ko....sabi nga ng isa kong friend...masaktan man sya sa huli..she will never hold back the feeling.

9 comments:

Anonymous said...

ako rin ayoko na amoy hosptal kasi nagkasakit ako dengue dati... 50/50 chance... tapos tahimik parang laging me mga nakatingin sau pag natutulog ka :)

tama ka dyan... ipakita mo na sa lahat ng malalapit sau na mahal mo sila.. di natin alam kung kelan ang oras natin sa mundong ibabaw.

ilan taon na ba lola mo? pagaling siya kamo :)

Unknown said...

ayoko ng atmosphere ng hospital.. feeling ko nanghihina ako pag pumupunta ako... para bang napakalungkot ng place na yon..

tama ka, hangga't pede mong ipakita ang pagmamahal mo sa kapwa mo, ipakita mo.. you'll never know kung kelan ito mawawala..

ghee said...

Ev..kakalungkot pala ang nangyari sa brother mo...sana gumaling na ang lola mo...

totoo yan,ngayon natin kailangan ipakita ang pagmamahal hanggat nararamdaman pa nila tayo,bago mahuli ang lahat..

kaya ayokong magkasakit ang mother ko,malayo ako para magbantay sa kanya...

at least ikaw,nanjan ka lang..you have all your chances..

get well soon..sa lola mo

nixda said...

ayaw ko rin sa ospital! naranasan ko lang noong nanganak ako, ang lungkooottt, ala pa akong sakit nyan ha! doon ko naramdaman kung gaano kahirap ang dinaranas ng "kailangan" pumunta doon :(
dapat lang talaga parating may bantay kundi lalo silang madi-depress.

doon din nila madarama kung sino talaga ang nagmamahal sa kanila (maysakit)!

pray muna tayo para sa lola mo!

iyong iniisip mo ... bata ka pa LOLA!!! :D

lheeanne said...

Ako sanay sa amoy ng ospital bakit kamo? hehe! hindi nman ako madalas ma hospitalized kaya lang kabilang ako sa mga grupo na nag pupunta sa hospital at nabibigay ng ngiti sa mga me sakit.. sumasayaw, kumakanta at pinagdarasal sila... maswerte lang ako dahil hindi ako nahiya nung kabataan ko.. medyo proud nga ako!!

wag kang mag alala sa bait mong yan, for sure me makakasama ka incase mag ospital ka.. wag nman sana, pero sabi monga gumagaling ka nman agad hehe!

ev said...

kneeko,

naku!buti na lang nakaligtas ka sa dengue na yun, pag nagkstaon pala, alang kneeko sa blogger's world!hehe..late 70's na lola ko..di alam ang exact age nya actually,hehe...kaw talaga binigyan pa ko ng palaisipan!nahiya tuloy ako!;)..sige lang sabihin ko pagaling ka lola from kneeko!

razzy,

ewan ko nga ba, talaga ngang nakakapanghihina ang ambiance sa loob ng ospital...tama ka...and we have to show to people their importance..di rin natin alam ang impact nun sa kanila...minsan ang concern nakakapagpagaling.


ghee,

yah!my most painful experience was when my brother passed away...now my greatest fear..kapag parents' health na ang pag-uusapan..kaya nga rin alinlangan akong magtrabaho sa malayo kasi gusto ko lagi kong nakikita situation ng parents ko...they're getting older na rin kasi.

racky,

oo nga naman, bata pa ako para isipin ang bagay na yun...napraning lang siguro ako...natakot ba na di makahanap ng lifetime partner...hehehe..mahirap ba manganak?...naku!ok lang mahirapan neng basta after that youl'll find your greatest joy...babay mo.


TK,

nacurious tuloy ako kung ano trabaho mo sa ospital...ang sarap ng feeling ng nakapagpasaya ng tao no? di mo kayang bayaran ngiti nila..bakit TK?mahiyain ka na pala ngayon?hehe...naku sana nga makahanap na ako ng lifetime partner..ang hirap kaya tumanda na lang kasama...ano ba tawag sa grupo nyo na pumupunta sa ospital nuon TK?

lheeanne said...

Onga nman bkit diko sinabi anong grupo un.. hehe.. mga prayer partners kung tawagin, grupo ng mga young and old christians na parang mga prayer warriors din kung tawagin...actually wala nman pangalan ang grupo namin. basta para ke LOrd, un na un!! minsan me akay na Meyor para mamigay ng gifts ganyan... hirap explain, pero ngayon wala na e! kc namatanda na nga ako! heheh!

Ann said...

Buti nga ryan sa pinas pwede ang bantay sa hospital. Dito pagdating ng 8pm, dapat solo na ang pasyente, maraming nurses na mag-aassist syo pero syempre iba yung asawa, kapatid o nanay mo ang kasama di ba?

Mother ko mula nung mamatay father ko, di mo na sya mapatuntong ng hospital. Nung nanganak sister ko , hinintay na lang nya sa bahay.

ev said...

tk,

nga naman..pinag-isip mo ko kung ano ginagawa nyo sa ospital..hehe..ambait mo talaga tk..dati ka na palang nagkakawang-gawa!kaya pinagpala ang mga taong tulad mo...madasalin ka naman pala eh..;)

ann,

pareho yata ng sinapit na trauma ang nanay mo at nanay ko...kasi nung mawala si kuya ko...ayaw na rin nya tumuntong ng ospital...bago lang uli..kasi nagse-service sila at nagpre-pray-over sa mga maysakit...part ng pagiging devotee nya sa parish church namin...kalungkot naman na alang kapamilya mo na magbabantay sau dyan sa ospital pag gabi.