When i was younger, i thought life was easier...na napakadali lang mangarap. Mula ng tumuntong ako ng koleheyo bilang working student mula first year hanggang second year college..pakiramdam ko ang hirap-hirap pala talaga ng buhay.
I worked as an assitant librarian. Nagkataon naman na nagkaroon ako ng masungit na boss. Umaga pa lang ubos na energy ko sa library. At sinalo ko na lahat ng alikabok dahil kahit nakasuot ako ng uniporme kong puting-puti, ay hindi na ito kulay puti pagpasok ko ng college building. Naroon pa yung halos gawin akong janitress sa may library building ng boss ko at pinag-mop ako sa labas ng library sa halos buong floor ng second level...i will never forget that scene....mangiyak-ngiyak pa ko habang ginagawa ko yun...akala ko assistant librarian ako dun..multi-tasking pala ako..huhuhu!Pero ok lang, kaya ko 'to. Pero ang pinaka-masaklap ko na experience sa sungit kong bossing ay nung may nawala akong resibo at pinahalungkat talaga nya sa'kin ang tambak na basura..ngilid na ang luha ko nung time na yun...tiniis ang masangsang na amoy ng basura...puno na ng pawis buo kong katawan mahanap lang ang lintek na resibo na yun...only to find out in the end..nung mahanap ko na at iniabot sa kanya ...ay di na pala nya kelangan dahil di naman pala mahalaga!Umiyak talaga ako pagkatapos ng duty ko!Gusto ko syang murahin pero hindi ko kaya dahil di naman ako likas na masamang tao...niluha ko lahat!Ang saklap! Bawat oras na kasama ko ang sungit kong amo ay parang ang liit ng tingin ko sa sarili ko.
Ubos ang energy level ko pagkatapos ng duty. Pero kelangan ko pang mag-aral ng leksyon ko. Sa awa ng Diyos kahit kunti lang oras ko para mag-aral ay nagawa ko namang ipasa lahat ng subjects ko nun. Wala akong masyadong kakilala sa college building. Trabaho-eskwela-bahay ang rota ko. Kapag may bakanting oras naman ay kelangan magkulong sa library dahil wala akong sariling libro. Daig ko pa si Darna nung time na yun. But I want to finish college. Ang hirap maging working student dahil nagkaroon ako ng masungit na boss. Kaya ko sana tiisin ang pagod. Pero ang makasama ang isang tigre sa habang nasa gitna ng laban..yun ang nagpapahirap sakin.
Alala ko din, dahil nga naman sa hirap ng buhay namin, kelangan kong pagtiyagaan ang bawat sentimo na kaya lang iabot ng nanay ko na kinita naman nya sa pananahi at minsan mas malaki pag may malaking kinita si tatay ko sa trabaho. Alam mo yung pakiramdam na kelangan wag mahulog ang piso sa bulsa ko dahil baka di ako makauwi pagkat kulang na pamasahe ko!huhuhu! Kala ko nag-iisa lang ako nung time na yun! Meron pa akong ala-mentos na karanasan dahil itong mumurahin kong sapatos ay biglang bumigay ang isang heel!Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase!At ang naisip ng darna? Bumili ako ng bubble gum...mabilisan kong nginuya na daig pang isang kambing at inilapat sa bumibigay ko nang heel!And slowly walked down the aisle dahil baka mapalpak!
(..itutuloy...)ang part two sa next blog ko naH..andito nanay ko..nag-aabang at nagyaya nang umalis kami..till next time!hehehe
11 comments:
oopps, bitin... may part 2 din.
akala ko rin dati madali lang ang buhay.. sabi ko nun college, makakapagwork agad ako, at ang pipiliin ko ay un company na makakapagbigay sa akin ng 5digits na sweldo.. hindi pala ganon kadali, napakarami mong pagdadaanan.. lumaki ako na halos lahat ng gusto ko nakukuha ko, kala ko ganon din pag tumatayo na ako sa sariling paa.. it takes a lot of hardship bago mo makuha.. hindi pala instant yon.
antayin ko ang part 2.... hehehe
working student din ako from 3rd yr college to 5th year...
madrama pala memories mo ...
buti na lang nahaluan ng komedi :)
ako siguro, aalisin ko rin iyong heel noong isa :D
Naku.. mga taong miserable ganyan ang pag-uugali. Puro pagpapahirap ang iniisip nyan.....
bilib ako sa mga karanasang dinanas mo,I mean yung tyaga at sipag na ginawa mo para makatapos ng pagaaral..
masarap abangan ang part 2..
ingats na lang Ev..
happy working day again :)
Akalain mo, marunong ka naring mambitin ng kwento bwahahha! nagmana ka tlga sakin, mahilig sa teleserye.. ng tunay na tao. heheh!!
PAra itong kwento ng isang MOdern Cinderella at ang location? aba sa lIbrary... hmmpp... sino kayang prince charming ang sasagip sayo??
bilisan ang part 2 hehe
evs,
saludo ako sa yo. inspite of all the hardships na dinaanan, matatag ka pa rin and hindi nawalan ng pag-asa. can't wait for the continuation.
yung part 2 bilis! nabitin din ako..
parang magkapareho tayo ng life ha.. ganyan din ang hirap ng dinanas ko makatapos lang..
Buti natagalan mo boss mo na ganun ang ugali.
Sa lahat ng dinanas mong paghihirap makatapos lang, mas maswerte ka dahil mas mamahalin mo kung ano ang meron ka ngayon.
SA INYONG LAHAT...
naku!overwhelming naman response ninyo sa life story ko...nahiya ako ha!di naman ako BAYANI!..lahat naman siguro tayo may mga pagsubok rin na pinagdadaanan..next time kayo naman magkweto kung ano yun!
A BIG THANKS! Oh! etoh na part 2! sensya na nabitin ko pa kau mga friendship!..but i'm sure may mas mabigat pa kayong pinagdaraanan din sa buhay..kaya, alam ko di ako nag-iisa.
TO RAZZY, KNEEKO, GHEE, NENG, TK, MISTYJOY, KA-URO, ANN, SENORITO...SA PART TWO NA REPLY KO SA COMMENT NYO!KINAPOS NA NAMAN AKO SA TIME...SALAMAT SA PAG-ANTABAY.
Post a Comment