17.11.06

A bird's-eye-view.....

Medyo maulan nung isang gabi nang pauwi na ako ng bahay mula work. Habang lihim akong naupo sa jipney, siksikan naman ang iba dahil sa hirap makasakay pag maulan ang panahon. Pagdaan ng jipney sa may Ateneo University, isang lalaki in his early teen ang biglang sumakay sa sinasakyan ko. Nakaupo naman sya sa aking harapan kaya nakikita ko bawat galaw nya. May bitbit syang mga makakapal na libro at isang plastik na organizer. I know he is a student of the said university. Gwapo at mukhang galing naman sa isang may kayang pamilya dahil sa kanyang porma...payatot nga lang. Napapansin ko, later on na para bang nahihirapan sya sa dami ng kanyang dala. He looked uncomfortable on his seat. Nang makarating na kami ng medyo kalayuan, para naman syang hindi mapakali sa kanyang pagkakaupo..nahihirapan talaga sya sa dami ng kanyang bitbit.

Hangga't later on, meron ako napupuna sa kakaiba nyang kilos. Isang konklusyon ang nabuo sa isip ko. Medyo kulang sya sa kanyang pag-iisip. In short, he is a special child. But I'm surprised dahil pumapasok sya sa isang normal at malaking unibersidad. I saw him so dedicated with his study. Nakita ko in just one instance na seryoso sya sa kanyang pag-aaral kung paano nya hawak-hawak na pagkaingat-ingat ang makakpal na libro nyang dala. Dun na nabuo ang konklusyon sa isip ko about the young boy nung nagsalita na sya na bababa na sya habang kinakausap ang konduktor. Nang makababa na sya, hinabol ko sya ng tingin, nang biglang may isang kotseng muntik ng bumangga sa kanya sa kanyang pagtawid sa kalsada..hindi ko alam pero kinabahan ako sa pangyayari. Buti na lang at agad nakahinto ang kotse at sya'y pinatawid.

Sa araw-araw kong pagsakay ng jipney, walang sandali na walang kapwa ko pasahero na hindi estudyante. Kadalasan talaga ay mga estudyante ngunit bihira lang ako makakita ng may bitbit na libro. We know how important education is. Pero napapansin ko sa mga kabataan ngayon ay parang kaunti na lang ang nagseseryoso sa kanilang pag-aaral. Madalas ay laman sila ng mga internet cafe at naglalaro lamang kung tutuusin. Pero heto ang isang medyo di normal, na mas nakikitaan ko pa ng interes sa pag-aaral. Kung sanay mas normal ang batang iyon, nasisiguro kong mas malayo pa ang maabot nito. That he is not far from reaching his goal and dream in life.

"Education is what we can only have that no one can take away from us." 'Yan lang ang kayamanan na pwede nating ipagmalaki sa ating mga magulang na nagpapakapagod upang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Sanay pahalagahan natin ito...katulad ng nakita kong pagpapahalaga ng batang lalaki sa kanyang dalang libro with pride,na kaharap ko sa jipney nung isang gabi.

6 comments:

Ann said...

Nakakatuwang makita yung mga special child (TFC) pero nakakayanang mag excel sa ibang field. Maswerte yung iba talaga na nagkaroon ng mga magulang na very supportive kahit ganoon ang mga anak nila. Hindi katulad ng iba na ang tingin sa mga special child ay limited lang ang kayang gawin.

Anonymous said...

OO nga tama yan,,, lam mo ba knina, bigla ko nlang nasabi sa aking Ama, pwede ba akong mag aral ulit at mag nursing? sabi nya bkit daw ba hindi.... nabigla ako... para akong naalimpungatan... totoo un! hehe!

isko b. doo said...

daan lang po... nice site

ghee said...

nagiging easy go lucky na kasi ang mga estudyante ngayon...pero kung sino yung mga cant afford,yun pa ang alam kong nagsusumikap,just like that special child na nakita mo...

nakakatouched naman,simpleng gesture pero very meaningful. :)

sana nga,mas dagdagan nila ang efforts nila dahil sila ang magiging future ng bansa natin :)

ev said...

ann,
oo nga ann, kung sino pa yung may deperensya ay sya pa yung nakikitaan natin ng interes...kaya dapat talaga silang suportahan..kung minsan nag sila pa yung mas talented sa ibang aspect at mas may kakayahang mag-excel...iba man sila sa mga normal pero i love these kids...special children are even lovable, and forgiving...i love their innocence and sweetness...they need more understanding than criticism...parents know that.


tiks,

aba!aba!balak mong magnurse?!hmmm...ang sarap naman ng suporta ng parents mo!pwede ba ako magpa-ampon?nyahahaha!..my sis was reacting when she found out about my post grad. study, ang tanda ko na daw, aral pa rin ng aral...i just laughed at her remark..ganun naman talaga di ba, minsan kelangan we have to update our brain, nagdedepreciate kasi if we stop learning...kaya go ka lang tiks whatever your goal may me...sabi ko sa nanay ko minsan, pupunta ako ibang bansa kasi gusto ko magserve sa mga indigent at mga matatanda..parang caregiver, natawa mother ko, kasi meron daw syang nlaman umuwi ng Pinas dahil ang pinaalagaan sa kanya mga aso, nyayhahaha!i was really laughing not becoz of the situation, pero sabi ko, kung ako yun, mas gusto ko, kasi i love dogs!hehe!mas madali kaya alagaan ang hayop kesa tao!eh, may animalistic ako eh, animal lover ako ha!naks!, nagkwento na daw ako!;0)


isko,
salamat dong!taga-davao ka rin?next time mo balik, magcomment ka na ha?;0)


ghee,
that's really true ghee, mas may interes pa yung cant afford to go to school, pero yung iba, sinasayang lang pera ng mga magulang nila..kakalungkot nga isipin eh...

yep, that was just a very simple gesture of a young boy, but the moment he was holding his book with such pride, i was really touched..ako pa, eh, korne akong tao..lahat ng sentiments sa buhay, naka-capture ko ata...hehe

Anonymous said...

Iniisip ko nga tlgang mag nurse at magbalik skuling jan sa pinas.. edi pag 30 yrs old nako isa na akong nurse dba? e pano nman un, punta dito PIolo ko tapos uwi ako? heheh! syempre sya mag bayad ng tuition ko dba? waaaaa ang hirap... posible pero parang imposible din!