26.8.06

Agosto: Buwan ng Wika

Sa Pilipinas meron tayong "Buwan ng Wika"...mmm...sa ibang bansa kaya... meron din kaya sila? Sabi ng kaibigan ko, bakit ang ibang bansa por eksampol, ang Korea, di naman sila talaga marunong mag-ingles pero mayaman at maunlad ang bansa nila? Pero bakit nga ba sa Pilipinas ay "big deal" kung marunong ka o hindi mag-ingles? Para bang ikaw na ang pinaka-obsolete na tao sa mundo kung da ka "in". Marami ngang naitutulong ang linggwaheng ingles lalo na kung "competency" ang pag-uusapan, pero yung pagtatawanan mo ang taong di marunong mag-ingles,abah! ibang usapan na ata yan. Teka lang...ang sabi nila...nasa Pilipinas tayo ah. Nakakalito ano?!

Alam nyo naman siguro ang bagong patakaran ngayon sa mga eskwelahan "Speak in English" in school and at home. Ok lang yan. Kelangan ang mga bata hangga't maaga marunong na sila mag-ingles...pero paano kung kano na ang estudyante mo o di kaya'y nasanay na silang gumamit ng salitang ingles? Anong mangyayari sa grado nila sa "Filipino"? Naku po!Di kaya sila nalilito? Kelangan ko ng solusyon...tulong naman dyan!

Akala lang siguro natin nakatira tayo sa isang demokrasyang bansa...pero di lang siguro tayo aware..sa ibang paraan tayo nasasakop....yun bang palihim?Ang sarap din kaya ng pakiramdam na kaya na nating magsalita ng ibang linggwahe,kaya na nating makipagsabayan sa mga taga ibang bansa...magaling ata ang pinoy!..pero di ba tayo nakakatakot na baka isang araw, sakop na rin pala ang Pinas ng ibang bansa? Ah..di naman siguro mangyayari yun. Kadalasan nga di na natin alam kung ano sa tagalog ang isang salita. Kaya humihiram tayo ng lingwahe ng ibang bansa...hindi na rin matatawag na hiram...angkin na talaga natin katulad ng salitang "cake"...ano nga ba sa talagalog ang cake? Di nga ba "keyk" pa rin pero iniba lang natin ang baybay? Naku, mukhang nalalayo ako ah. Kahit kelan talaga liwaliw utak ko!wehehe!

Basta....ok lang matuto ng iba't ibang linggwahe basta huwag lang makalimot sa sariling wika.

7 comments:

Ann said...

Ang dami nga nating mga hiram na salita, madalas akong matanong ng mga anak ko kung ano sa tagalog ang isang bagay tulad ng notebook, sabi ko pareho din. O kaya yung subject, hinanap ko eh asignatura pala, ang hirap bigkasin kaya subject na lang daw.

ghee said...

hehe,okay Ev,hah?

ang dami kong na recall na tagalog gaya ng baybay,hehe..
eh pano na ko?minsan di ko maalala sa tgalog,himahapon ko na lang?

eniways,mas masarap pa ring magtagalo lalo na kung chikas to the max,napatunayan ko yan sa pinas.

miss kitah!musta na ang lovelife mo?

journeyman said...

Hi, thanks for dropping in... liked ur blog.. could not get this one (dont know the language :-)) one before it was very good.. do read my thots on tht piece in its comment book.. tc .. see u around!!!

lheeanne said...

Waaa... ako ang unang sinabihan mo nitong post mo pero huli parin ako.. hahah! pano kinarir ang singing hahah!! o nga buti nkahabol kapa sa buwan ng wika congrats.... naku gusto pala nitong naunang commenter sakin e inglisan.. buti nlang hindi masyadong international ang blog ko hahahha

Unknown said...

mahirap magtagalog ng diretso.. mapapnsin mo yan sa pangkaraniwang pananalita.. hehehe

may pamangkin ako, English talaga ang first language nya, pero marunong managalog, un nga lang sa daddy lng nya.. tortured nga un, kase bawal sa kanya ang magmix ng salita.. kung magtatagalog, kelangan pure tagalog.. hahaha.. kakatuwa sya..

ev said...

ann,
kwaderno ata sa tagalog ang notebook...naku pati ako di ko rin ata sure...acculturated na nga talaga tau ng ibang linggwahe..kita mo pati sarili nating wika halos di na natin alam ang mga ibang term!Hala..ano ba sa tagalog ang term?..hahaha..termino?;)..honga..ang hirap bigkasin ang ibang malalim na salita.

mish,
salamat at nadalaw ka uli..natutuwa naman ako sa kwento mo...natural na talaga siguro yan sa mga pinoy..trying hard kasi tayo minsan...sali ko na sarili ko!hehehehe!salamat mish..ang galing ng obserbasyon mo sa mga pinoy.

ghee,
naku frenship namiss kita sobra!!!nabawasan lang sandali ang mkulit na tagacomment ang site ko!hehehe!kaya miss na miss kita!wink!

pag nagkita tau o kahit sa chat..paturo din ako minsan ng japanese term ha!...oo..masarap mag-express to max sa sariling wika.

journeyman,
thanks for the effort here though you couldnt understnd my entry...thanks for your comment though in my other entry...you are always welcome here.

tk,
k lang yan,minsan talaga nahuhuli yung mga bida!hahaha!bida ka kasi pagdating sa tagacomment ko..kaya oks lang kahit huli!ang galing talga ng recording mo..till now, impress pa rin ako sa talent mo!

razzy,
tama ka, mahirap minsan bigkasin ang mga salita lalo na ito.."palabaybayan"...naku...kung inglesin mo yan..spelling lang yan!di ba mas madali...kapag kasi buo ka kung managalog nag-aanyo kang makata..eh nasa new genereation na tau eh..advanced pa..kaya..minsan ka na lang makarinig sa paligid mo na nagsasalita ng buong tagalog..taglish na ang mga tao!no probs dito samin kasi bisaya dialect namin..pero sa manila bihira na lang ang gumagamit nng buong tagalog.

Kathy said...

... may tama ka jan Ev ^_^ minsan nakakalimutan ko na ibang tagalog eh, dumating na ko sa part na nakakalimutan ko na mga pangalan ng gulay hehe, kol ba naman sa kin friend ko minsan from Cali ano raw yung "bean like kinda vegi"?? sus tumawag ba naman 2 am. grrrrr!! yun lang ang itatanong...eh di isip naman ako kase maraming bean like vegi di ba? ayun bandang huli sitaw pala lol!! di na ko nakatulog pagkatapos hmm... ^_^

Maligayang Buwan Ng Wika!!

ingatz lagi...pasensya na lagi ako late dito muaahh!

cheers,
-kathy-