Nagluluto ako nang bigla kong naalala si ate Beth. Napa-SMILE ako! Nagiging alarm kona kasi tuwing umaga ang lakas ng tunog ng sandok habang naggigisa sya ng kanyang paboritong putahe. Third year college ako nun nung nakatira ako ng higit isang taon din sa bahay ng tita ko. Sister-in-law nya si Ate Beth. Malaki yung bahay para sa aming tatlong natitirang nandun. Si uncle kasi ay isang seaman kaya madalas lang nakakauwi. Ang tita ko (na kapatid ng tatay ko) naman ay isang teacher sa public school sa probinsya kaya naman once a week lang sya umuuwi. Wala silang anak nun.
Kaya dalawa lang kami ni te Beth ang madalas maiwan sa malaking bahay. Sabi nga ni Bes (best friend ko) di raw ba ako natatakot. Sa isip ko naman, kanino ba ako dapat matakot, sa laki ng bahay na ang tahi-tahimik o kay ate Beth na may pagka-misteryosa dahil sa minsa'y matalim nyang tingin. Minsan nga out of my wierd imagination, gusto ko syang katokin sa kwarto nya tuwing malalim na ang gabi. Masiguro ko lang na di sya witch!haha!Sori te Beth, alam ko ako ang witch sa'ting dalawa.:D
Nasa mid-40's na si te Beth nun ngunit nanatiling single parin. Samakatuwid, kandidata na sya sa paging matandang- dalaga. Pero sya yung taong nakilala ko na punong-puno ng positibong pananaw sa buhay. At naniniwala sya na makakatagpo pa sya ng taong magmamahal sa kanya.Maganda naman sya kaya lang pihikan. Minsan naitanong ko sa kanya kung bakit. Simple lang sagot nya ngunit diretso: Perfectionist daw sya. Di na ako nag-comment, ayaw kona makipag-argue. Kuripot din sya at sobrang matipid. Kung pwede lang nya initin ang ulam for the whole week gagawin nya hangga't di pa napapanis. Kapag nauuwi si tita pag weekend madalas nya tinatanong kung nagluluto raw ba kami. Kasi halos di daw nababawasan pinamalengke nya para sa'min na nakaimbak sa fridge.
Grabe talaga kalokohan namin ni Bes nun sa malaking bahay. In fairness, mabait si te Beth sa amin. Kasi naman, naniniwala sya sa mga hula ni Bes sa kanya. (langhiya ka bes, hanggang ngayon yata hinahanap kapa ni ate beth!haha!) Ang di ko makalimutan kay te Beth, ay yung gumigiling-giling sya sa bawat tugtog ng sayaw na naririnig nya. At yung suutin nya ang isang napakainit na damit sa aking paningin na nagmukha lang naman syang astronaut. Suot nya eto tuwing gusto nyang magpapayat dahil masyado daw syang pinagpapawisan dito habang nililinis ang flooring ng buong kabahayan. Si ate Beth kahit di nagpapatawa pero di nya alam, ako'y lihim na napapangiti sa kanya. She was such a good antidote to my boredom in the big house during that time.
Matagal narin kaming di nagkikita ni te Beth at wala na akong balita sa kanya. Pero napapangiti parin ako tuwing naalala ko sya sa aking pagluluto. :)
11 comments:
Ahahahahahaha!!!!
I've seen her last year.
Sya pa nga ang unang nag-approach sa akin.
Alam mo, when I saw her, I was laughing so hard! Katulad ngayun habang binabasa ko ang article mo.
Naalala ko tuloy 'yung isang hula ko sa kanyang patay na ang soulmate nya. Sa nxt life na sila magkikita not in this lifetime.
Bongga Bes ha? Naniwala si Ate Beth at dahil dun mas minahal nya ako kesa sau! (Joke lang po)
Masyado rin akong inlove sa bahay na iyun bes. Once I dream of owning the house.
Sabi ko nga sa sarili ko,panu kaya?
Pwede ko bang akitin na lang ang uncle ni Bes? Kung maiinlove sa akin, di iiwan na ng uncle ni Bes ang auntie nya, tapos I will end up living in that house! Ahahahaha!
I also imagine my self na parating nakatambay sa azotea ng bahay na iyun na parang black lady pero in my mind, punong-puno naman ng roses ang place na yun.
Hayyy.... Bes, naalala mo kaya na mas type kong tumambay dun? The music, the place, ahh... parang witchhh...
It was in that place I started liking to become a witch.
At bes, hayuppp... di ko pa rin makalimutan yung niluto mong asparagus sa akin! indi mo niluto yung part na dapat niluluto instead yung matigas na parte ng asparagus ang niluto mo at kinain natin. We end up cooking a paksiw tuloy! Paksiw na ilongo style!
Na-miss ko si Ate Beth.
Lalo na yung napakalaki nyang portrait na nakasabit sa wall ng living room.
At isa pa Bes, ngayon ko lang ulit i-re-reveal. Natatandaan mo ba yung isang kuwartong tambakan ng mga old things nila? Ninakaw ko yung isang literature book na lumang-luma.
Tapos di ako na guilty ha?
Ang sama! Anyway, Iniongatan ko yung book. Buhay pa hanggang ngayun.
At isa pa bes, when I was lughing at that time na nagkita kami ni Ate Beth sa hall of Justice (yata~~) she was also luaghing with me.
Kumusta na kaya yung Badminton rocket ko dun bes?
ahahahahahaha...
hahaha!ang dami kong di alam bes ahhh..may iba ka pa palang kalokohan dun!?
bitaw bes, asa na kaha tong badminton raket nimo no?nakalimot na guro te beth ato bah, cge lang patas na mo kay gikuhaan man pud diay nimo syag pocketbook..amawa nimo oi!basig ako na'y gipasanginlan ato nagkuha bah!haha!:D
psssttt!hawud nako muluto ron!blehhh!:D
Hmmm...good old day. Nice to reminisce them.
Just like my draft which I was reading earlier. It was the melody of a song that brought back memories of my days back home. But instead of a smile in my face, I felt my eyes welling up with tears.
Good post, Ev.
Mari,
I could feel your sentiment and I wish you could come back home for a visit someday soon.
he he he ... mga kalukohan natin nong mga bata tayo 'no? your 'te Beth sounds like a likable but a little weird person, magpapawis para pumayat? there could be a truth to that, who knows? lol
It's good to be reminiscing good 'ol days. Grabe si Witchy o, ang haba ng nasabi!
kakatuwa naman. ako naalala ko ngayon dahil sa post na ito si auntie cion. galing din nya magluto. pag fiesta, siya ang cook namin.
thanks for including something that I understand hehehe.. just here to visit..
LOL!pang witch ba ung haus?pero mukhang mag stay jan lalo na kung meron kang "handsome slave" na kasama,hahahaha!
alam ko yung sinasabi mong parang astronaut na damit,sauna suits/pajamas ang tawag dun!at oo,ginagamit un sa pag da diet,kasi pag isinuot mo un,konting kilos mo lang ay tutulo ang pawis mo,what more kung magsasayaw ka at maglilinis ng bahay?meron din ako nyan dati,nung bagong panganak lang si ally,ginamit ko yun while taking a nap,haha!effective huh!ayoko na uling bumili kasi mahal sha ano? :D
"masarap mas stay" i meant. :D
Post a Comment