23.1.07

"My Five Juicy Secrets"...tagged by Shoshana.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi...my insomnia struck,apat na oras lang ata tulog ko... nagbilang ako ng tupa, kaso ala pa rin,hinanap ko pa ang nawalang tupa..lalo akong di naktulog!nyahahaha! kaya yaman rin lang na maramot ang antok, pinag-isipan ko ang tag na ito ni Shoshana sa'kin. Pangalawang tag na ito ni shana, di ko ginawa yung una, hehe!kaya bago pa ako isumpa ni shan, eto na kaibigan, sasagutin ko na tag mo na nagmula kay gandang ghee...it's called "My five juicy secrets".... Sabi nga ni kaibigang Shoshana, answering Tag is like a bare-yourself-thing without taking off your clothes....hmmm...we'll see what we can do here...

1. Malikot ako matulog- One time, ang himbing ng tulog ko nang biglang may.."bog!!!", i thought i was only dreaming, yun pala nahuhulog na ako sa higaan ko!araykopoh!ang sakit kaya ng katawan ko kinaumagahan!--pero kahit kelan di ko naikwento 'to, nakakahiya.;0

2. Hindi ako marunong lumangoy-
I love the beach..i love the water...pero asahan mong nasa dalampasigan lang ako, sa kababawan ng tubig...secret ba 'to?hmmm...la lang!


3. May tampo ako sa mga dating kaibigan-

Kapag nalaman nila ito, isusumpa nila ako for keeping this to myself for quite a long time. People change...not only lovers..but even good friends. I even hate to realize that i have serious regret over the people i considered my very best friends. Narealize ko na nagbabago pala talaga ang tao...when all of them found their mates,akala ko normal lang yun,kahit walang kumustahan mula sa kanila ok lang... syempre inluv sila duon umiiikot mundo nila..broad-minded naman akong tao, pero later on i realized hindi rin naman ako manhid para di ma-feel that I couldn't't fit myself into the picture at all (in their system). Hindi ako possessive na tao, but i despise rejection. Sana lang mali ako... I value my friends so much, kaya siguro i was so hurt when i realize that "one tends to forget that aside from being a lover, he\she is also a friend." Pero nung nagkabf ako, bakit halos bawat detalye ng buhay ko gusto ko part pa rin sila? Nuon akala ko, i can't go on without them, pero ngayon, sabi ko sa sarili ko, if they change, bakit ako hindi? Hirap ako maglet-go ng mahalaga sa buhay ko..till now, i am still learning,kaya lang, mas kaya ko na gawin ngayon ang mga bagy-bagay all by myself....just that this time.."mas mahal ko na sarili ko kesa dati.."

4. Nagtatago ako sa C.R. kapag gusto kong umiyak-
I am not a pretender...but i just feel like mas kaya kong ilabas ang nararamdaman ko when i am alone. Tapos pag gusto ko nang lumabas, kunwari naghilamos ako ng mukha para di halatang namumula mata ko kaiiyak.;0

5. Mahal ko pa rin ang huling lalaking dumating sa buhay ko--
pero ayoko nang pag-usapan..masaya na sya saan man sya ngayon...and the rest is history.

Ayaw ko mag-tag.;0)

5 comments:

ghee said...

ok,unang bloghop ko tonight at ako ang mauunang mag comment dito,yay!

mamaya ko pa sasagutin yung maiksing telegrama ni Tikei my labs sa kin eh :D

malikot kang matulog...hmmm,no problem,wala ka nmang piniperhuwisyo jan :)

di rin ako magaling lumangoy,ok lang,magtatampisaw na lang ako sa tubig :)

hmmm,i understand at may karapatan kang magtampo...pag masaya ang kaibigan mo,nakakalimot sa yo..pag silay depressed at may kailangan sa yo,saka sila tatakbo..its too unfair minsan db?siguro,mas sensible ka lang kesa sa kanila :)

number 4!!high five tayo Ev!naisulat ko na yan dati,na pag gusto kong umiyak hindi dahil sa drama na pinanonood ko,sa toilet ako nagpupunta..para may privacy.

hmmm,masyado kang malalim magmahal,mah frend!

thanx.may bago akong nalaman from you and i`ll embrace them all coz it`s you :)

Shoshana said...

Hi Ev, galing nang secrets mo.

Ako rin, tago kung umiiyak. Except I get tomato red nose, so, I might as well stay on sight. :) I am not a pretty cryer.

Thanks for doing the tag Ev!

ev said...

ghee,
katabi ko si sis kaya madalas nya ako sabunotan!hehe...siguro di ko lang naiintindihan mga kaibigan ko in this aspect, o baka masyado lang ako sensitive.... pero minsan kasi yun pakiramdam ko...junked...self-pity siguro yun..ewan ko ba ghee, i know friends come and go, hirap lang ako tanggapin na may nagbago na pala talaga between us...pareho pala tau na di marunong lumangoy?hmmm..at nagtatago sa banyo pag nag-eemote?...birds of same feather flock together daw kasi talaga...hehe!

yah,i still feel the same, but i'm happy for him.. for all that he has achieved in life...kung saan sya masaya te' suportaan ko sya.;0)


shan,
hehe!sinagot ko na kasi baka isumpa mo na ako!may one thing in common pala tau tatlo ni ghee...ang saya naman.

You are welcome mahfren...sana huling tag na'to..hehe!nag-enjoy din ako ah.;0)

racky said...

halika, swimming tayo turuan kita ... siguradong di ka malulunod, kapit ka lang sa buntot ko! :D

TIkey said...

Uy Tita, nasa davao ka dbaa? daming beaches jan diba? pag napunta ako jan, tuturuan kita ng floating... ang dali lang matuto ng ganun sa beach kc sa bouyant something nyahahha...

revelation nga ito!! love u for dat! zipper din ang mouth ko sa #5, kung yan ang hiling mo! muahhh! love u my fren!