"I dedicate this free verse to the Filipino seafarers who were victims of the ruthless typhoon Frank..."
Kasabay ng malalaking hampas ng mga alon,
kelangan niyang marating kung saan naroroon
ang ikabubuhay nya sa kanyang pamilya.
Ang mga isdang sanay huwag maging mailap,
sa kanyang paghahanap sa gitna ng panganib
na maaring nakaamba sa gabing tahimik.
Habang sa kalagitnaan ng gabi ay naghihintay,
ang asawa't mga anak sa kanyang pagbabalik.
Kaba sa dibdib di halos maalis,
sapagka't ang kabiyak at amang dakila
ay nasa laot na ang hamog at lamig di alintana.
Ang bangkang kasa-kasama sa lahat ng panahon...
sagwan ng buhay kelangan makiayon.
Ang pangakong babalik sa kanyang mag-iina
ngiti sa mukha dala ang pag-asa.
Kaba sa dibdib ng kabiyak ay naibsan...
abot-tanaw nya ang asawang paparating,
dala-dalay buhay at biyaya ng Poong maawain.
No comments:
Post a Comment